Internet.
Sabi nila
napakalaki ng potential ng internet para kumita ng pera.
Maraming
nagpapatunay na they were freed from being a corporate slave by doing their
business thru the internet.
May isang
kumikita by selling products online, specifically e-books.
Nagmementor
na rin siya ng mga aspiring internet businessmen/women.
So far, sa
pagsi-search ko ng mapagkakakitaan sa internet, ito ang mga nakita ko (of
course marami pang iba, pero ito yung mga pinaka-subok na ng majority na na-search
kong kumikita online):
- Selling e-books or other products
- Affiliate marketing
- Blogging (and monetizing it)
- Uploading videos on Youtube (and monetizing it)
But it
doesn’t fit me at all.
I tried
selling e-books online, but ni isa sa mga iyon ay walang bumili.
I attended
webinars on how to make it work.
Ang dami
nilang binigay na payo at sinundan ko naman diligently, pero wala talaga.
May binili
pa akong libro na nakalagay ang step by step procedure about affiliate
marketing na kung saan ang ibebenta mo naman ay yung libro ng iba pero hindi
rin naman ako natanggap sa mga in-applyan kong site na kung saan pwede akong
maging affiliate na sinuggest sa libro.
Buti na lang
at may nakita akong other options para maging affiliate at natanggap naman ako
doon.
Pero
kailangan pa ring magbenta ng product para maka-commission.
Apparently,
selling products is not my expertise.
Kaya kahit
doon sa tumanggap sa akin ay wala pa akong kinikita.
May blog
ako, at may mga nagvivisit naman dito, pero hindi ko ma-monetize gamit ang
Adsense dahil associated at hosted ang Adsense account ko sa Youtube ko kaya
hanggang ngayon ay ayaw magdisplay ng ads from Adsense sa blog ko.
Ito ang laging
sinasabi ng Adsense sa akin.
"We apologize for the inconvenience, but we are unable to process your request at this time. Our engineers have been notified of this problem and will work to resolve it." |
(Update as of April 22, 2017, few days ago sinubukan ko ulit i-apply ang website ko sa Adsense and today nakareceive ako ng confirmation email na na-approve itong website ko. Yay~! Finally~)
At yung
Youtube ko naman, although may views, hindi rin naman ganun karami.
As in ang
dami ko ng pinanuod na videos at binasang articles kung paano maiimprove ang earnings online.
Common na
sinasabi nila ay alamin ko raw kung ano ba ang gusto ng tao/market ko.
Kung
magbebenta ako ng libro, ano raw ba ang kailangan ng mga tao.
Dapat daw ay
yung makakatulong sa kanila.
I tried to
make a “How To” na libro which is binanggit din sa webinar na in-attendan ko,
but hanggang ngayon, nilalangaw na siya sa internet wala pa ring bumibili.
Sabi pa sa
webinar kung hindi ako magaling magsulat, pwede akong mag-hire sa Freelance or
O-Desk ng writer na gagawa nun para sa akin, pero wala naman akong pambayad sa
kanya at mahina talaga ako sa marketing.
So flop
talaga ako diyan.
Sa
pag-uupload naman ng videos sa Youtube, mostly entertainment or informative ang
hinahanap ng tao.
Pero hindi
naman ako marunong mag-entertain.
Wala rin
akong talent.
Ordinaryong
tao lang ako.
Average sa
pagkanta at pagsayaw.
Hindi rin
naman ako comedian.
Feeling ko
pa boring ako.
So mukhang
hindi rin para sa akin ang Youtube.
At sa pagbi-blog
naman, ano ang ishi-share ko?
Hindi rin
ako ganun kagaling magsulat.
Hindi ganun ka-catchy
ang mga gawa ko.
Kung ano ang
flow ng utak ko, ganun din ako magsulat.
Actually
itong update ko ngayon ay overflow lamang mula sa utak ko.
At yung
inaasahan ko pang Adsense, ayaw pang umappear dito.
Nanghihinayang
tuloy ako sa uncounted views.
Luckily na-discover
ko ang Infolinks, which is my alternative sa Adsense.
However,
sabi nga rin sa mga reviews, kung maliit ka palang na blogger, you can’t expect
a high income from this.
Kailangan ng
work, work, work!!!
But how?
Sabi nila
kung sa blog patungo ang career mo, you have to post relevant contents for your
readers.
But what
relevant content can I give to you guys?
Feeling ko
nga wala akong alam.
But what I
have come up with is just to share my experiences.
Since yun
lang ang mayroon ako eh yun lang ang maibibigay ko sa inyo.
Although
hindi ako magaling magbenta at hindi ko kayo ma-sales talk para bumili, hindi
man ako magaling na entertainer kaya waley na videos lang ang meron ako sa
Youtube, at kahit hindi man ako magaling magsulat ng relevant contents, at
least, nabubuhay pa rin ako dito sa mundo at bawat araw may mga na-e-experience
akong pwede kong i-share sa ibang tao.
Hindi man
lahat ng tao ay interesado sa contents ko, masaya na rin akong may nakakabasa
at nakakarelate dito.
Although
hindi umubra sa akin ang mga “guaranteed” hacks ng iba, siguro makakadiscover
na lang ako ng sariling kong life hack when dealing with internet business and
on how to earn from it.
Magsisilbi
na lang silang inspiration para sa akin at hahanap na lang ako ng paraan on my
own.
Slowly.
Unti-unti,
ma-e-establish ko rin ang income ko from the internet.
Think
positive!
You see,
nagsimula ako sa blogspot, and now, nakabili na rin ako ng custom domain ko
after searching for a long time and pondering kung dapat na nga ba akong
bumili.
My only
source of income right now is my PTC account sa ClixSense and sidelines sa
pagiging Accountant ko.
I can say
that I am unemployed right now.
But also, I
am a freelancer.
Being
unemployed doesn’t mean I am not doing anything for a living.
Hindi nga
lang ako nakatali sa isang company, but I am doing something on my own.
A business,
that is.
It just
hurts me to be judged and looked at as if I am worthless by the people around
me just because I am not doing what everyone else is doing which is ang
magtrabaho under sa isang kumpanya.
Ang sinasabi
nila safe and secure ka raw kapag may trabaho ka.
But haven’t
they realized that that company is also a ‘business’.
It can close
anytime or pwede kang matanggal anytime.
So kahit
doon ay hindi ka secure.
If you have
your own business, then the control is yours.
Or ang
dahilan naman ng iba ay para may gastusin sa araw-araw para sa pamilya.
Well, tama
ka diyan.
Feeling ko
inaasahan din ako ng pamilya ko na magbigay sa kanila buwan buwan.
At buwan
buwan din silang nadidismaya sa akin ngayon.
Yun ay
feeling ko lang naman.
Hindi ko
alam ang nararamdaman nila para sa akin.
Pero kung
magtatrabaho ka para may maibigay ka sa pamilya mo, hanggang kalian?
Hanggang
kalian ka magtatrabaho?
Hanggang
tumanda at magkasakit at mamatay?
So yun na
ang purpose ng buhay mo?
Ang tanong
ko, sa pagtatrabaho mo para sa pamilya mo at pagbibigay ng pera pantustos sa
pangangailangan nila, nakakapagbigay ka rin ba ng enough time para makasama ka
nila?
May good
memories ka bang maiiwan sa kanila sakaling kunin ka na ni Lord ngayon?
That is why
I’m taking my risk right now.
Kung alam ko
lang na ang tinuturo pala sa mga eskuwelahan ay kung paano ka maging employee
sa business ng iba, edi sana matagal na akong nagsearch ng ibang paraan sa
internet para makatakas doon.
Pero huli
na, nakagraduate na ako at napasok ko na yun.
At doon ko
lang narealize ang mga ito.
Siguro yung
iba diyan ay pagtataasan ako kilay sa mga sinasabi ko ngayon and I’ll respect
that.
But this is
my perspective, guys, so please respect it too.
This is how
I see the world.
This is how
I see my reality.
I’ve been
lost for a few years now, but lately, nakita ko ang lumang notebook ko noong
college.
Ito ang
nakasulat:
It’s clear
to me now kung ano ba talaga ang gusto ko.
I will treat
that note as my mission.
Have time
with my family, friends and God while still earning decent money for our needs
and for emergency by utilizing my passion.
The only
question is, how will I be able to do that?
Let us see.
I will
continue searching, experimenting and trying.
We’ll never
know unless we try.
Will I be
able to do it?
Who knows?
But I will
still give it a shot.
Marami na
akong sinubukan at hindi umubra pero hindi ako susuko.
Mahahanap ko
rin ang passion ko at i-uutilize ko iyon para sa mission ko.
Wish me
luck! 😊
P.S.
Oh, so ang
summary ay hindi effective sa akin ang mga na-search kong iyan ng “Ways to Earn
Money on the Internet”……AS OF NOW.
Kapag may
umubra sa mga ginagawa ko ngayon at sa mga susubukan ko pa, I’ll just post it
here.
😁
Peace y’all ✌👆
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you