Wednesday, August 9, 2017

FarmOn | 15th Cycle Opening

Ganito rin ba ang na-experience mo?





Parang every cycle, lumalala ang na-e-experience ko.

This 15th cycle, they announced na mauuna itong mag-open para sa FarmOners with active accounts.

   August 07 (which was moved to August 09) - FarmOners with active accounts

   August 21 - New Registrants


However, pagsapit ng araw ng opening ng 15th cycle, ganito naman ang nangyari.

Since according to farmOn:



Kaya 8am ako naglog in sa farmOn account ko today.

So far, closed pa ang 2 farms na makikita sa Our Farms page nila.

Pagsapit ng 9am, ganun pa rin.

Nagbasa ako ng comments sa Facebook page ng farmOn, and may nagshare nga duon ng kanilang napag-usapan nang tumawag siya sa farmOn.

"Brownout" daw sa kanilang office and they're fixing their generators at the moment.

Furthermore, baka daw mag-open after lunch but hindi pa rin daw sigurado.

Hanggang sa may mabasa ako sa mga comments:


Open na raw. Pero "Closed" pa rin naman ang umappear sa akin.


May mga nakapag-invest na, pero server error na ang
lumalabas sa screen ko tuwing i-aaccess ko ang farmOn.

Tapos may nabasa akong comment na magrefresh lang daw ng magrefresh sa website.

Ganoon na nga ang ginawa ko.

Pagkatapos ng makailang ulit na refresh, na-access ko ang farmOn.

Kaso kinailangan ko na namang maglog in. πŸ˜‘

Sa log in page, kailangan ko na namang magrefresh ng magrefresh para makapasok.

Then finally, nakapaglog in na ako.

Pero tulad ng nasabi sa isang comment, closed na ang Native Chicken na tanging product lamang na in-open nila sa kanilang Main Farm for 15th cycle.

Sa kanilang bagong farm, Growers, dalawa lang din ang inopen nila for 15th cycle.

Ang Rice at Squash.

Subalit nang ma-access ko ang Growers farm, Rice na lang din ang natitirang open.

Kada page na i-open sa farmOn, Internal Server Error ang lumalabas at kailangan ng sandamakmak na refresh.

Mukhang mag-pa-pass muna ako sa 15th cycle.

I am considering two (2) options na gagawin ko muna.

   1. Wait for August 21 and see if may chance na makapag-invest ako duon.

   2.  Maghanap ng alternative na mapag-iinvestan at the moment then wait for the
        next cycle, baka sakaling may matipuhan na akong crops sa 16th cycle.

As of now, hold na lang muna ako and mag-oobserve.

Sobrang tahimik ng farmOn, as of this writing, sa lahat ng mga nangyayari so mananahimik na lang din muna ako sa pag-iinvest.

Hindi natin maiiwasang madismaya at mag-isip ng kung anu-ano dahil hindi pa tayo pinaliliwanagan, pero ano pa nga ba ang iba nating magagawa kundi umunawa.

*Sigh*

That's all for now.

Happy farming sa mga nakapag-invest~ πŸŒΎπŸŒ±πŸ“πŸ”

And for the rest of us, let us try again next time. πŸ˜‚

Hanap-hanap na lang muna siguro ng alternative. πŸ˜‚

No comments:

Post a Comment