Friday, January 12, 2018

FarmOn | 17th Cycle Opening

Last January 08, nag-open ang 17th cycle ng FarmOn.

Magtatagal ito hanggang February 15, according sa kanilang Facebook page announcement.



Pero siyempre, para makapili ng short-term crops, kailangang makasingit sa server nila sa opening day pa lang.

Finally, pagkatapos kong magfail sa huling 2 cycles noong nakaraang taon ay nakapaghanda ako ngayon.

Iyon ay salamat sa pagsesend ng FarmOn ng announcement kung kailan sila mag-oopen ng cycle thru email, Facebook page at pati sa FarmOn account.

Nakapaghanda nga ako pero ang tanong, nakapasok ba ako sa website nila sa opening ng 17th cycle at nakapag-reinvest?
Pagsapit ng January 08, naglog in ako sa website ng around 8:00 AM para i-check kung open na nga pero wala pang update at "Request for 16th cycle" pa ang nakalagay sa itaas ng screen.

Iniwan ko na lang na nakabukas ang FarmOn account ko at maya't mayang nagri-refresh para mag-baka sakaling makauna sa mga crops.

Nagbago na yung nasa itaas ng screen at napalitan ng "Request for 17th cycle" pero nang i-click ko ay wala pa ring open.

Around 8:45 AM nang mahirapan na akong makapasok nang mag-refresh ako.

At doon na nagsimula ang kalbaryo. HAHAHA!

Error 502 ang palaging lumalabas pero sabi nga nila, refresh lang daw ng refresh hanggang makapasok.


Nang makapasok ako, una kong pinuntahan ang Main Farm.

Pero Banana (10-14 months) at Papaya (6-10 months) na lang ang open, fully funded agad yung Pekin Duck.

Sunod kong in-access ang San Manuel Farm since duon din ako nakapag-invest ng Pekin Duck before.

Take note ha, every attempt ko na mag-access sa website, hindi mabilang na error ang lumabas at makailang ulit din akong nagre-refresh.

Pero walang offer na Pekin Duck ngayon sa San Manuel.

Fully funded na rin agad ang Fish Pond (6 months) at tulad ng sa Main Farm, Banana at Papaya na lang ang natira.

San Antonio naman ang isinunod ko sa pag-asang makakuha na lang ng Squash dahil mukhang wala na akong mapag-iinvestan na Pekin Duck o Fish Pond at base na rin sa notes ko before ay may Squash sa farm na ito.

Pero, as you all guessed, Banana at Papaya!!!!!! Hoo-Haa!!

Sunod kong in-access ang Garit Sur.

At, ta-daaaa, Banana at Papaya na lang din ang natira at fully funded na ang Fish Pond.

Base sa usapan sa FarmOn community group na sinalihan ko, may Watermelon daw sa Bangar Farm ng La Union kaya iyon naman ang sunod kong in-access.

May mga nagshare din ng screenshots nila ng mga farm na na-access nila kaya nalaman naming mga members kung alin na ang iiwasan. Hahaha

That saved us time na i-open lahat ng farms.

True enough, may Watermelon nga doon ang kaso Growers siya.

Sa pagkakaintindi ko sa mga Growers, hindi sila tao ng FarmOn so bale parang hiwalay silang magtatanim kaya mas maliit ang percentage (%) of share sa profit nito at mas mahaba ang harvest time (ang Watermelon ay 4-6 months sa Growers samantalang 3-4 months lang sa FarmOn iyon).

Pero iyon na ang pinasok ko dahil sa Watermelon naman talaga ako nag-iinvest noon.

Pati sa pagki-click ng Available button para makapagrequest ng product ay inabot ako ng siyam-siyam.

Error 524 naman ang umaappear doon.


At pagka-access ko sa page ng pagrerequest ng product, ito naman ang lumalabas:

Anak ng tipaklong! Alas-10 na ng umaga.

Nang i-click ko ang Go Back button ay nabalik ako ulit sa Our Farms page at kailangan ko ulit i-access ang Bangar farm at i-click ulit ang Available button at magrefresh ng magrefresh para makapag-request ng product.

10:26 AM na nang makapagrequest ako ng product sa wakas.



Nag-log out na ako agad para magbigay daan naman sa ibang nag-a-access ng website.

In fairness, na-receive ko agad ang contract ko ng January 10. Clap clap sa FarmOn sa mabilis na pagsisend ng contract.

According to FarmOn din: "once [you] received your contract, requests for another investment for that cycle will not be entertained."

That is all for now.

Hopefully maging maganda din ang farming season ng FarmOn sa taong ito. 😊


~~~~

P.S.
May video footages ako habang ginagawa ko ang pag-iinvest sa farmOn noong January 08, I will find time pa muna para i-edit ang mga iyon at i-upload sa YouTube.

I will add it here sa aking post kapag live na siya sa YouTube (yun ay kung interesado lang naman kayong panoorin ang struggles ko noong opening ng cycle. Hahaha).

~~~~
Update as of Feb. 13:

 Nag-reflect na sa FarmOn account ko yung 17th cycle investment ko. Mabilis, mabilis! 👍

No comments:

Post a Comment