Sunday, March 20, 2022

Random Thoughts #1

Hey guys.

It's been a while. 🙂

Not that there has been no happenings in the background.

Truth is, there’s a lot!

Ang dami, sobra, to the point na patong patong na sila sa isip ko like “isusulat ko ito, at ito rin, at iyon rin”, but in the end I got lazy and haven’t written anything. 

Or minsan nagbabago rin ang isip ko and decides to keep it private. 😉

Sa pagdedecide ko to keep things private, naubusan na ako ng isusulat. Haha

There are days na super inspired ako magsulat, but ang hirap simulan. Ang ending, lumipas lang din ang motivation ko.

Right now, as I’m writing this, I don’t have anything in mind to share, but just feels like writing random thoughts habang pinapatuyo itong water-based nail polish sa mga kuko ko.


Ang cute pa, sobra.

At kahit hindi ako ganun kagaling maglagay, shocks, feeling ko ang galing galing ko dito dahil madali lang siya i-apply.

Unlike yung mga regular nail polish na kapag inapply ko sa kuko ko ay nagbubuo buo or nagguguhit yung liquid sa kuko ko, ito hindi!

Kahit patungan ko pa ulit ng coating, hindi siya nagbubuo.

Downside nga lang is one week lang ang itinatagal niya sa kuko ko dahil paghuhugas ng pinagkainan ang nakatoka sa akin so madalas kong nasi-scrub ang kuko ko kaya natatanggal agad.

I have this yellow gloves I use, pero sinisipag lang akong gamitin kapag malamig ang tubig dahil natutuyo at nagsusugat ang kamay ko nun.

Hindi rin naman problema sa akin kung one week lang ang itinatagal ng nail polish na ito sa kuko ko kasi ineenjoy ko talagang gamitin, gustong gusto ko i-apply sa kuko to the point na parang sinisilip ko siya araw-araw sa drawer, kung maglalagay ba ulit ako, nag-aadik na ata ako dito. Haha

And look at that, may butterfly pa kasiii.


Medyo boyish man ako kumilos, I enjoy this kind of stuff too.

I even use the free lipstick na included sa gift ng client ko, in ordinary days, sa bahay, when I just feel like it, because I love the shade.

So yeah, major happenings in the background, lots of decisions and planning to make, but I just want to take a step back from all of it and be like a child na wala masyadong iniisip and be engrossed sa cuteness ng mga bagay bagay tulad nito. ☺


~~~~

No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you