Friday, October 20, 2017

FarmOn | Opening of 16th Cycle

Umabot ka ba? 😂

Banana at Rice na lang ang naabutan ko eh.
Last October 17, nag-open ng panibagong cycle ang FarmOn.

Hindi ko ito in-expect dahil kaka-close lang ng 15th cycle last month.

7 hours ago pa ang Facebook post ng FarmOn tungkol sa opening ng newcycle nang makita ko ito.

Kaya too late, fully funded na agad ang mga short term crops and like I said Banana at Rice na lang ang natitira.

Napansin ko lang na maraming bagong farms ang nadagdag.

Pero iisa pa lang ang ini-ooffer ng mga ito which is yung Rice.

Pag-iisipan ko na lang muna kung mag-iinvest pa ba ako sa Rice o Banana.

Medyo may pinagdadaanan ang internet namin ngayon eh. October 18 pa kami nawalan ng internet at pati landline ay walang dial tone. Nireport na namin ito sa PLDT pero hanggang ngayon ay wala pang solution, ni hindi nag-uupdate kung ano na ang status ng issue namin. Noong finollow up namin kahapon ay papunta na raw ang service repairman sa amin pero wala naman. [Kung may maisusuggest po kayo na magandang internet service provider na stable ang connection, please please please, let me know.]

For now magtitiyaga na lang muna ako sa mobile data.

Anyway, mabalik tayo sa topic, no wonder din siguro na mabilis agad maubos ang mga crops especially the short term ones dahil may mga farmOners na ilang daang libo, yes, hundreds of thousands ang investment. I am not saying na hindi tama iyon dahil they have the right to invest how much they want to invest. But I do sympathize to the small investors na gusto ring makapag-invest kahit maliliit lang. That is why I agree with the others na nagsuggest ng cap per investors per crop para makapag-invest din yung iba sa crop na iyon at para na rin siguro ma-spread sa iba pang crops yung investments nila at namin.

I remember din kasi noong first time ko, sinubukan ko lang munang mag-invest sa pinakamurang crop which is worth Ph 1,500. Yes, yun lang muna ang ininvest ko noong newbie pa ako para makiramdam muna sa takbo ng FarmOn. Then slowly every cycle, nagdadagdag ako. 

I think may cap ang FarmOn per investor na Ph 300,000 but if I am not mistaken ay ang cap na iyon ay for the whole investment. Like hanggang doon lang ang pwede mong ilagay sa account mo. Please correct me if I am wrong.

Mahilig lang akong magbasa pero hindi ako nakikisawsaw sa usapan ng mga FarmOners and I think makikita niyo na rin sa Facebook page ng FarmOn ang mga saloobin ng karamihan tungkol sa opening ng cycle na ito. 

I recently joined the FarmOn Agri Community Support/Forum sa Facebook at marami ring mababasa doon na palitan ng mga saloobin ng farmOners, mga ideas at iba pa.

For now I will just wait for my withdrawal na pumasok sa aking bank account at magninilay nilay muna sa mga susunod kong gagawin.

Oh and I just want to say na naappreciate ko ng bongga ang ginawa ng FarmOn noong 15th cycle na nag-abiso sila kung kailan ang opening ng cycle na iyon. :)


~~~~

No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you