Sunday, May 9, 2021

Lazada | Great Finds Pt. 5: Deerma's Handheld Steam Cleaner DEM-ZQ610

I have been thinking for a while of buying a steam mop ever since my client recommended it.

When our regular mop which I bought in college finally retired, I got a reason to buy one. 😆

My usual go-to app when looking for things I need to buy online, of course, as you already know, Lazada, showed a lot of steam mop product results.

Long story short, I chose Deerma's steam cleaner above everything else upon reading the reviews.

My initial comments upon delivery: it was packed well and the items are complete.

Okay lang din ang delivery.

I ordered on Feb 03 and was delivered on Feb 06.

Iba yung saksakan nito, but although hindi na-mention sa description ng product, nag-include pa rin si Seller ng adapter. Plus point ito of course, dahil na-test ko kaagad. 👍

Items included in the box are (please excuse the photos, naisipan ko lang kunan ng photos after ko nang gamit-gamitin 😅) :

1. Scouring pad


2. Brush


3. Extension hose


4. Connector for brush


5. Glass cleaning head


6. Clothes iron head


7. Mop head



8. Connector for mop head 3pcs


9. Motor


Water bin attached to the motor.

10. Mop cloth 6 pcs


11. Deerma buggy bag


12. Aromatherapy bag 2 pcs


It was easy to assemble.

Mabilis uminit yung tubig so hindi kailangan maghintay ng matagal para magamit agad.


Hanep rin makatanggal ng makapit na dumi sa sahig dahil sa steam, parang feeling mo patay lahat ng germs at bacteria. 😆

Parang extra layer na rin ito ng disinfecting para sa akin maliban sa palagiang paglilinis ng bahay.

Totoo yung napanood kong video wherein tinest niya ito sa sahig na kakamop lang ng regular na mop, pero pagkagamit niya nito ay makikitang may dumi pa rin sa mop cloth nito.

Nakaka-addict siyang gamitin actually.

Parang gusto mong linisan ng linisan ang paligid.

Yun nga lang hindi ko ito magagawa dahil mangangawit ka talaga.

Nasa hawakan ang bigat nitong steam cleaner so bitbit mo ang weight nito the whole time.

Aside from that, medyo alangan din akong gamitin ng matagal dahil baka mag-overheat naman, kaya saktong linis lang talaga ang ginagawa ko.

Mga 30 mins or so, tapos pagpapahingahin muna saglit, then tuloy ulit, ganun ang gawa ko.

Napansin ko rin tuwing pagkatapos maglinis ay parang may sticky fluid sa mga holes.


I wonder kung dahil ito sa steam na ginagawa ng device sa tubig kaya namumuo ang mga iyon.

Nonetheless, pinupunasan ko na lang at pinapatuyo ang parts ng steam cleaner bago ito ilagay at itago sa Deerma bag.

What I really love about this product is, napakasimpleng gamitin at napakasimpleng linisan at iligpit.

Actually pagkatapos magmop, yung cloth lang ang kailangang labhan which is napakadali lang din, unlike sa regular na mop na gamit namin noon na kailangang linisin yung lalagyan at mahirap pang linisin yung mop mismo at masyadong nagtitake up ng space.

So very convenient itong steam cleaner na ito sa mga tamad katulad ko.

May maliit na lalagyan din sa head ng mop kung gustong samahan ng pabango habang nagmomop.


Hindi ko napansin yung aroma bag sa mga nakaraang gamit ko nito.

Napansin ko na lang lately nung inayos ko yung box para itapon.

Sa susunod susubukan ko kung paano ito gamitin. Haha

Ang gawa ko naman sa iba pang mop heads ay yung brush head ginagamit ko pangtanggal ng makapit na dumi sa singit singit then yung scouring pad ang pangtapos ko.

Same pa rin na may nilalabas na steam sa gitna kaya nung unang subok ko ng mga ito medyo aligaga ako sa paggamit dahil unlike nung cloth, ito nakikita kong lumalabas yung mainit ng tubig which is takot akong matalksikan. Haha

Pero takot ko lang yun, hindi naman nangyayari, basta relax lang sa paggamit, huwag masyadong mapuwersa.

Hindi naman talaga kailangan ng sobrang force.

Kailangan lang ng panlaban sa pangangalay.

Nabili ko ito sa halagang Php 4,033 (shipping fee and discounts included).


Sulit na rin para sa akin dahil pinadali nito ang pagmomop ko and yung feeling of security against sa germs dahil sa steam.

At yun nga, konting punas lang sa equipment.

Tanging yung cloth lang ang kailangan labhan.

You can check out the product here: Deerma’s Handheld Steam Cleaner

Very convenient for me. 👍


No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you