It took me months to finally get a schedule for my Covid-19 jab.
The link for the registration was not working for me for some unknown reason, but my friend, Diane, was able to access it.
Maybe because the link on OneCainta Facebook page is shortened? Maybe that’s why?
I don’t know.
But when she was able to access it, she shared the complete link to me and that worked.
If you are having the same problem as mine, here is the complete link to Cainta’s registration page:
The registration was quick and straightforward.
I just chose my vaccine category.
Filled up my details and clicked on submit. That's it!
I just have to wait for my schedule which could take months.
I saw a lot of comments in OneCainta's FB page complaining that they have registered months ago but have still not received a schedule.
I wanted to reply to them that once they register, they should look at the masterlist from the website to check their names and their tagged number.
They should remember their tagged number because that will give them an idea as to when they might receive their schedule.
I checked their names and some of them registered twice, so they have 2 numbers in the masterlist.🤦♀️
And actually their tagged number is still far from being scheduled...
Some even got scheduled already in OneCainta's previous post. How come they have commented and complained on the later post but have not seen their names on the earlier post? 🤦♀️
Yeah, I actually wasted my time checking their names, but did not do anything to inform them about what I know. 😅
When I registered, OneCainta has already been scheduling people with tagged numbers around 10K I think. And my number was around 17K.
From that alone, I know this will take ages.
At first I was still checking the page every day to see how fast the progress of scheduling is.
But it is really slow, until I visited less and less often.
I finally got a text message in October 5 for my 1st jab which is just a day before my schedule.
Thankfully okay din naman sa client ko even though it was such a short notice.
Nagtanong rin ako doon sa nagtext sa akin kung pwede sanang magsama pa ng isa, kaso hindi naman na nagreply.
But I still had my bf come with me baka sakaling makapagpabakuna rin siya at para lahat kami bakunado na.
First Jab:
My schedule is from 10:00AM to 12:00PM sa Cainta Elementary School Auditorium.
When we arrived there, wala namang pila sa labas.
Nanghihingi lang ng I.D. as proof na taga-cainta ka, and the text message you received na naka-schedule ka for that day.
I asked kung pwedeng magsama ng isa sa loob and I was told na pwede raw, but need kumuha ng mayor’s stub sa mayor’s office for him.
Aabot pa raw kami kung pupunta na kami doon, so we went to the mayor’s office sa munisipyo ng Cainta.
Kabaligtaran naman ang sinabi sa amin ng tricycle driver though.
Sabi niya matatagalan daw kami sa pagkuha dahil usually daw abot hanggang sa labas ng building yung pila ng mga kumukuha ng stub para makapagpabakuna.
Pero pagdating naman namin doon, wala namang pila sa labas. Hmmm.
Pumunta kami sa information desk para sabihin yung sitwasyon namin, then the lady asked if registered voter na kami and then she gave us a small paper to fill up and told us to look for sir Mike sa second floor.
Feeling ko doon pa lang medyo hindi na kami nagkaintindihan dahil pati ako binigyan eh hindi naman ako nanghihingi ng stub.
Sa second floor ang maraming taong nakapila na gustong kumuha ng stub. Halos hindi na naoobserve ang social distancing.
Pagkapunta namin kay sir Mike, nanghingi siya ng I.D. na may address ng Cainta.
I have mine, pero si bf waley kaya nireject siya.
Since hindi siya makakakuha ng stub, bumalik na lang kami sa CES para ituloy ko na lang ang pagpapabakuna ko. At least we tried the available options para mapabakuna na rin sana siya.
I presented my I.D. and the text message to the usher then they let me in.
Marami namang ushers sa loob, so pagkapasok ko itinuro sa akin kung saan ako uupo.
Tulad ng lahat ng klase ng pinipilihan, this was a waiting game.
Napakahina rin ng signal sa loob ng auditorium so I had nothing else to do but to stare at people’s businesses downstairs or magmuni muni sa kawalan.
I think I have emitted a “mind your own business” vibe and did not even think of talking to the people beside or in front of me.
Iwas-interaction na lang din since I don’t know if all of us are negative from Covid or baka may asymptomatic lang pala.
Waiting area lang talaga sa itaas.
Around 11:35AM ay pinababa na yung batch namin for Step 1 which is the registration process.
Bale parang ako yung salimpusa pa doon dahil majority pala sa mga kasabay ko ay kumuha lang ng mayor's stub...
Nasaan na yung mga nakaschedule talaga for today? 🤔
Tapos may ibinigay na 3-page consent form na kailangan fill-upan.
Ibabalik din yung I.D. kalaunan at maghihintay na naman sa kung ano ang susunod na gagawin.
Inabutan na kami ng lunch break nito.
Pwedeng maghintay na lang sa loob, or pwede ring iwan na lang yung papel sa kinauupuan at lumabas para kumain, may ibibigay silang entry pass para sa “Exit” door na lang papasok pagbalik. This is to distinguish you from the rest na paparating pa lang after lunch.
May magchi-check ng temperature na kailangan isulat sa consent form.
Then will wait ulit sa pila ng Step 2: Final consent and counseling.
10 or less ang pinapapunta sa bawat table where we were asked kung may sakit ba, at inisa isa niya yung mga common na sakit like hypertension, diabetes, etc. Magtaas na lang ng kamay o sumagot na lang kung mayroon ka sa isa sa mga yun, pati kung may maintenance bang iniinom, sumagot ka na lang din.
Kung sumagot ka sa isa sa mga tanong niyang yun, ipapalagay niya sa itaas na bahagi ng consent form mo ang “A3” for categorization.
Since wala akong maintenance na iniinom dahil for monitoring lang yung condition ko sa breast at walang nagrerelate sa akin sa mga binanggit niya, hindi A3 ang nasulat sa paper ko.
Sunod niyang tinanong isa-isa kung ano ang trabaho namin.
Kung doon ka sumagot, ipapalagay niya sa itaas na bahagi ng consent form mo ang “A4”.
So sa A4 category ako nailagay.
After kami malagyan lahat ng category sa consent form, kukunin niya yung mga forms at siya ang mag-fifillup ng page 3.
Ang bilis niya magtanong, grabe, kaya mabilis din dapat magprocess at sumagot kung may isasagot ka doon, otherwise i-no-No na niya lahat ang sagot sa questions sa papel mo.
Minsan akong sumingit nung magtanong siya about sa allergies.
I have an allergy sa sweets, nagsusugat ako, pero kapag napasobra lang naman so yun ang sinabi ko.
But ang sunod niyang tanong sa akin “so ano, may allergy ka o wala?”.
Uhm, hindi ba siya dapat ang magconclude after kong i-describe yung condition ko?
Sumagot na lang ako ng “sige, wala na lang…”
If babae ka, she will ask when was your last period and isusulat din niya yun sa form.
After ang lahat ng tanungan, mag-eexplain na siya ng mga dapat at hindi dapat gawin after mabakunahan, yung side effects ng bakuna, etc.
Pwede rin daw maligo after mabakunahan.
Pwede pa ring magcoffee at magtake ng supplements after.
Kung wala ng questions, papipilahin na naman for Step 3: Screening.
Hintay- hintay na lang ulit for my turn.
After that, pila na naman for Step 4: Vaccination.
May ibibigay na vaccination card kung saan fifill-up-an ulit yung details like name, address, birthday.
Dito napansin kong na-itchapwera na yung batch namin.
May mga napansin kasi akong tao na nauna na sa vaccination line samantalang mas nauna kami sa kanilang natapos ng screening.
Yup, I'm sure of it kasi kapansin pansin yung dalawang babaeng yun dahil sa suot nila at kulay ng buhok.
Napansin ko na sila habang naghihintay na lang kaming papilahin for vaccination.
Pinapanood ko na lang yung mga taong pumupunta sa screening at napansin ko sila doon.
Naka-halter top at may pagka-blonde ang kulay ng buhok nung isa.
At yung isa naman ay sexy, oh yeah, ang lakas ng dating.
Hindi magkakilala itong dalawang ito.
Magkaibang batch sila, pero both nakita kong nauna nang nakaakyat sa stage for Step 4.
Kung ilang batch ang nakauna sa amin, hindi ko alam dahil common na yung suot ng ibang tao. 🙈
Hinabaan ko na lang ang pasensiya ko hanggang sa tawagin ang batch namin para pumila sa stage.
Doon hihingin na naman ang I.D., consent form at vaccination card.
Ang ibabalik na lang nila ay yung I.D. at card, tapos pipila na naman para na sa bakuna.
Bawal magtake ng pictures or videos dito which I don’t know why kasi sa ibang lugar naman nakakapagpost yung mga kakilala ko ng actual na pagbabakuna sa kanila.
Since hindi ko makukunan ang sarili ko, tiningnan ko na lang mabuti yung pagtuturok sa akin hanggang matapos.
Talagang sinundan ko ng tingin yung injection para siguradong inubos niya yung laman.
Friends, hindi ko alam kung yung bakuna ba o yung kamay niya ang nagpabigat sa braso ko, pero ang bigat talaga.
Nung nagpavaccine ako ng paulit ulit para sa anti-rabies noon, mabigat din yung kamay nung nurse na nagbakuna sa akin, pero iba yung bigat ng isang ito, or baka na-trigger siya sa pagmamasid ko kaya nanggigil? 🤷♀️
After mabakunahan, may usher na kumukuha nung vaccination card bago pababain ng stage.
I handed over my card to her and waited again for the last step, Step 5: Monitoring.
So ang gawa nung kumukuha ng card ay ididistribute niya sa mga staff ng Step 5 yung cards at sila ang magtatawag isa-isa ng mga nabakunahan para icheck ulit yung blood pressure at oxygen level.
Kapag okay ang lahat, pwede nang umalis at babalik na lang ulit sa nakalagay na schedule sa card for the second jab.
Since halos naubos na ang oras namin sa araw na iyon sa vaccination site, at along the way din naman ang Big R, prinocess na rin namin ang student permit namin sa LTO at nagregister na rin sa katabi nitong registration for national I.D. which I will probably tackle in a separate post.
Wala namang masyadong side effect sa akin ang first dose ng bakuna maliban sa mabigat na braso for around 3 days at nakapagwork pa ako actually pagkauwi ko ng araw na yun.
Second Jab:
21 days after the first jab ang schedule nung pangalawa, which for me ay sa October 27.
Wala nang text message whatsoever na nareceive at base sa post ng OneCainta, mukhang puro for second dose lang ang nakaschedule for the day.
I didn't expect na may pila sa labas ng auditorium.
Akala ko nung una mga kasamahan lang ito ng mga nagpapabakuna sa loob kaya dumiretso kami sa entrance (yes “kami”, bf is so supportive 😆 nabakunahan na rin siya ng first dose noong October 15 so may extra layer of protection na siya) para magtanong sana tapos may sumigaw sa malayo...
Paglapit nung sumigaw na usher, sinabihan kami na pila raw yung nasa labas so pumunta raw kami sa dulo.
Mga tatlo siguro yung napagtanungan ko kung sila ba yung dulo hanggang sa marating na namin yung talagang dulo.
I think it was already 11:00AM when I finally got in.
Akala ko konti na lang ang process para sa second jab, pero mali ako, pareho lang sa first.
As usual, nasa waiting area na naman ako.
Then same process, pagkababa, Step 1: Registration ulit.
Ipapa-fill-upan ulit yung consent form, kukunin yung I.D. tapos ibabalik din at maghihintay for checking ng temperature which is inabutan na naman ako ng lunch break.
So iniwan ko na lang ulit yung papel sa upuan at lumabas para bumili ng makakain.
Napasobra yung pagkaka-init ng nabili kong siopao from 7-Eleven kaya namburaot na lang ako ng Skyflakes ni bf at nagpalipas ng oras sa labas hanggang matapos ang break.
Pagbalik ko sa loob, hintay-hintay ulit.
After ma-check ng temperature, pila ulit for Step 2: Final consent and counseling.
Same questions, although nadagdag yung tanong kung may side effects daw ba kaming naranasan sa first dose, kung nagka-covid daw ba kami or kung na-expose daw ba kami sa taong may covid during that period.
Same din sa explanation, although may naiba sa sinabi nitong pangalawa...
No coffee intake daw for 3 days after mabakunahan...
Sa dami ng sinabi niya, ito lang yung tumatak sa akin kasi I am a coffee-person.
After that, hintay na naman for Step 3: Screening, for checking ng blood pressure at oxygen level.
Then hintay na naman for Step 4: Vaccination.
At least this time, hindi na kami pinaupo after ng screening, diretso na sa pila ng vaccination, but hintay pa rin.
Same ulit, hihingin yung I.D., consent form at vaccination card.
Bawal pa rin ang taking ng pictures or videos during vaccination, so naka-fixate ulit ang mga mata ko sa injection para sigurado.
Same person ulit ang nagturok sa akin mga friends. Haha
Pero hindi na mabigat sa braso yung feeling.
Then same process for Step 5: Monitoring: checking ulit ng blood pressure at oxygen level.
After ma-check na normal lahat, finally, I am officially fully vaccinated!
Add 15-20 additional minutes for monitoring in step 5.
Bumili na rin ako ng card jacket. Hihi
Nakapagwork pa ako pagkauwi ng bahay, but nagtake na rin ako ng Paracetamol kinagabihan kasi I feel something in my head.
Nag-roll on na rin ako ng Efficascent oil sa sentido ko once in a while.
Ang nakalimutan kong i-take ay Vitamin C.
Kailangan yun, friends, maraming nakasalamuha, at mas matindi raw ang effect ng second dose.
Nakapagtake ako nung first dose, kaso yun nga, nakalimutan ko this last. Haist.
The next day, Thursday, medyo parang may sinat akong nararamdaman.
Uminom na lang ulit ako ng Paracetamol sa umaga and Vitamin C na rin.
Hindi naman masakit ang ulo ko sa simula, pero sumakit na sa pag-iyak ko sa nabasa ko. Lol
Ewan, siguro sasabihin niyo mababaw ang luha ko, which I think is true, pero ayun na nga, pag-log-in ko kasi sa work, sabi ni client na sabihin ko lang daw if I’m not feeling well para magrest na lang daw ako for the day, pati colleague ko nagsabi. Kasi marami pa akong leave na hindi nagagamit, which is mandatory nang gamitin for the year.
Na-touch ako kaya umiyak ako. ðŸ˜
Kaya ayun, sumakit ang ulo ko kalaunan, pero dahil matigas ang ulo ko, nagwork pa rin ako. 😅
Problem is, I had no coffee in the morning as advised from the counseling part ng second dose, which is my fuel for every day, tapos may sinat pa, so yeah, lutang. 😅
Dahil sumakit na rin ang ulo ko at sinipon, nirequest kong huwag munang gumamit ng AC kinagabihan, so we had to open the window for air circulation.
But man, grabe, the neighbors were so loud, ang lalakas ng boses at nagtatawanan pa hanggang midnight.
Nung finally tumahimik na, si auntie naman itong gumising para sabihing naiinitan daw siya, so pina-switch niya yung AC, kaya lumabas ako ng kuwarto at nagpunta sa sala para magself-pity. 😆
I couldn’t sleep.
Hanggang sa mag-2:00AM na at bumaba si auntie para sabihing hindi na raw siya makatulog, na in-off na niya yung AC, at umakyat na raw ako sa kuwarto dahil manonood na lang daw siya sa sala.
Wala na. Sirang sira na ang gabi ko hanggang abutin ako ng 6:00AM paikot ikot pero hindi na makatulog.
Since hindi rin naman ako makaka-inom ng kape pampagising, I decided to take the rest of the day off.
Mabuti na lang at Friday na nun.
Wala naman na akong ibang side effects na na-experience maliban sa konting sinat nung Thursday.
That's all.
~~~~
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you