As I previously mentioned, I would need to update my records with PRC to be able to renew my license.
And I have just done so today.
I ordered our Certificate of Marriage via PSA Serbilis on December 17 and it was delivered via 2Go Express on December 22.
Three copies na ang kinuha ko for future usage. I paid Php 990.
I downloaded the petition form from PRC’s website kaso wala nga palang ink yung printer. 😅
So naisip ko na lang na humingi ng form kapag nasa PRC Main office na kami.
Ang requirement lang na dala ko is the original PSA copy of our Marriage certificate.
The other requirements, which are duly accomplished and notarized Petition Form, one (1) passport-sized ID picture in white background with full name tag (please take note na yung name tag mo is yung married name na dapat), one (1) metered documentary stamp, and photocopy of PRC ID, ay doon ko na lang ginawa nang makarating na kami sa PRC.
First thing that I did was to get a petition form sa front desk pagkapasok ko ng main office.
I filled it up and asked kung saan magpapanotary and ang sabi ay sa third floor daw.
But pagkaakyat ko pa lang sa second floor ay tinanong na ako ng guard kung saan ako papunta at pagkasabi kong magpapanotary sabay pakita ng petition form na hawak ko, doon na pala yun sa right side, which is the legal division.
Pangatlo ako sa pila, pero mabilis lang naman.
I handed over my form and waited a little bit.
Sunod na pagtawag sa akin ay notarized na ang form ko and I paid Php 50.
Bumalik ako sa front desk para magtanong kung saan pwedeng magpapicture sa loob ng main office, kaso ang sabi ay sa labas lang daw.
Hindi naman na kailangang lumayo dahil sa tapat lang ng office ay hili-hilera na ang printing services, etc, lahat ng kailangan mo andun na.
Pinicturan lang ako gamit ang digital camera, then inedit na lang nila ang background para gawing white and pinasulat sa akin ang married name ko for the name tag.
I paid Php 60 for this passport-size picture, 6 copies. Humiram na rin ako ng glue para idikit yung isa sa petition form ko.
Pinaphotocopy ko na rin ang expired PRC license ko. Isa lang ang kailangan pero ginawa ko ng 2 copies and I paid Php 12.
Grabe, nasanay ako sa Copytrade during our review days na cents lang ang price kaya nagulat ako na Php 6 na ngayon ang isang photocopy. 😅
Pagbalik ko sa loob ay nagpunta ako sa documentary stamp desk na halos katapat lang ng Window 37 na pipilahan ko after magpastamp.
I paid Php 50 for the stamp na idinikit na rin niya sa form ko.
Then pumila na ako sa Window 37 ng Regulation Division para sa verification process, etc.
Konti lang naman ang nasa pila kaya mabilis lang din ang turn ko.
Sinubmit ko yung petition form, original PSA copy ng marrige certificate, at yung 2 photocopies ng PRC ID ko (isa lang ang kailangan pero hinayaan na lang niya yung dalawa na sinubmit ko haha).
Pagkatawag sa akin ay binalik sa akin lahat yung sinubmit ko (nakastaple na), filled na nila itong left part ng form:
Pinapapunta ako sa Window B for verification naman ang side na ito ng form:
At sa Window 33 for payment of fees naman for this part of the form:
Mabilis lang din sa Window B.
May guard doon at pinakita ko yung form ko, kinuha niya para iabot sa tao sa Window B, pina-log ako sa logbook nila at pinahintay na lang din na tawagin ang pangalan ko.
Please take note na yung maiden name ang ilalagay sa logbook. Naka-note naman doon, but just in case hindi niyo mapansin.
Pagkatawag sa pangalan ko ay binalik na sa akin ang form na filled na yung part nila.
Pumila naman ako sa Window 33 for payment.
As much as possible, exact amount na ang ibayad niyo para mabilis umusad ang pila. Mabilis matatapos yung sinusundan mo, at mabilis ka ring matatapos, at makakasunod agad yung nasa pila after mo. Edi hayahay ang buhay.
I paid Php 225 for the statutory fee.
Then bumalik na ako ulit sa Window 37 to submit the documents again.
Sunod na tawag sa akin ay yung resibo na lang with this note ang binigay sa akin.
Pinasulat ulit ako sa isang logbook, but this time, yung married name na ang ilalagay.
I would have to wait for 7 days for the change of status to reflect sa records ko.
It took me one (1) hour for the whole process.
9:30 AM ako nakapasok ng Main office, and 10:30 AM ako natapos.
Amazing~ 😀
Mas maikli pasiguro diyan ang inabot ko kung may picture at photocopy ng PRC license na akong dala, kasi naghintay pa kami sa labas nun. 🙂
Cinonfirm ko na rin sa Window 37 kung kakailanganin ko pang gumawa ng panibagong PRC online account for my married name and she affirmed. Ibang email address din daw dapat.
So yeah.
Let’s see what the process will be kapag irerenew ko na yung license ko.
For now, I will just wait for a week for the changes to reflect, then we’ll move forward from there.
Tatapusin ko na lang muna yung modules ko for the CPD. 😅
~~~~
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you