Thursday, July 6, 2023

Lazada Run 2023 with Hubby 🙂


 Sooo, hubby and I attended the first ever Lazada Run here in the Philippines last July 2, 2023. 🏃‍♂️

For the record, this was my second run after the Color Manila run that my friends and I attended in 2019.

At dahil nagkaproblema ako sa paa ko before the event, as you can see from my preceding post, hindi ako nakapag-warm up or practice beforehand para sana ma-prepare ang muscles ko.

Kaya heto, as of this writing, ramdam ko pa rin ang sakit sa nabigla kong muscles kahit tinadtad ko na ng salonpas. Haha

Medyo sumakit din ulit yung nainfect kong daliri sa paa kaya inoobserbahan ko muna kung magiging problema na naman ito.

Nauna na akong nakapagregister sa Lazada Run way back in April 9 during their early bird rate, bago pa ako nagkaissue sa toe ko.

The price was Php 850 then.

Nakita ko lang yung widget sa Lazada app while browsing and cinonvince ko pa si hubby for a few days hanggang sa nag-confirm na siya.

Ayaw ko namang magbook kung sapilitan ko pa siyang isasama dun. 😅

Come July 1, we went to MOA Concert grounds to claim our race kits.

Lazada Run lang ang walang delivery option sa Lazada. Lel.

And yeah, we claimed our kits the day before the event itself.

June 29 - July 1 kasi ang claiming eh may work kami ng weekdays, so we decided to get it on the last day para keri lang kung mahaba man ang pila.

9AM to 5PM ang claiming sa July 1.

Mabuti na lang nakarating kami ng mga 4:30PM dahil nagcamp pa kami sa Tanay the night before. 😅

Fortunately, wala ng pila.

Naghintay lang kami dahil hinanap pa yung racebib namin.

In fairness, hindi basta-basta ang freebies.

May Century tuna, Fit 'n Right, Colgate Plax, Myra lotion, St. Ives facial scrub, Garnier serum, Enervon capsules, Palmolive shampoo-conditioner, Sofy napkin, and Anlene.


Initially kaya ako napa-register ay dahil Puma ang major sponsor nila.

Ang habol ko sana ay yung Puma Finisher tee, kaso sa 21KM finishers lang yun available, and gusto lang ni hubby na mag-5KM kami kaya Puma singlet lang ang para sa amin.

But the quality is good din so okay na sakin. 😊


And I looove the Finisher's medal. 😍



Despite us arriving 30 minutes late sa 5:00 AM gun time ng category namin, nakatakbo pa rin naman kami.

5K category ang may pinakamaraming participants (they also had 21K, 10K, and 1K for kids), kung saan tumakbo rin sina Alden Richards, Anne Curtis, and Mimiyuuuh.

Sa sobrang dami, they split it into 3 waves.

First wave para sa mga competitive talaga. Yung mga sumali para manalo.

Second wave yung mga tatakbo pa rin pero not to the extent na magssprint na. Haha

Third wave para sa mga pagong. Char. Ang pagkakasabi nila ay para sa mga slow runners. 😆

At ang pinakamalala, kung saan kami napabilang.....No wave. HAHAHAHA

Literal na wala na kaming naabutan na wave. Pagdating namin dun diretso na agad sa starting line at takbo na agad. 🤣

Nakasalubong na nga namin yung mga patapos na sa finish line. 😂

This was the route for 5K.


20% takbo, 80% lakad na lang ang ginawa namin.

Pati ang mga nakasabay namin, chill na lang din. Tatakbo para pagpawisan, tapos lakad lakad na lang kapag hiningal na. Hahaha

Too bad wala na kaming naabutan sa Discount Vouchers checkpoint. Nakuha na lahat ng vouchers. Sabi may naka-grey na staff na may mga nakasabit sa kanyang vouchers, pero wala na akong nakita. 🥲


In fairness, kahit late kami, hindi kami nag-iisa.

Dahil marami kaming late. HAHAHA


At marami pa ring ipinapamigay sa Hydration zone. Iba't ibang flavors ng Gatorade, at may Cristalino Spring water naman para sa mga gustong magtubig lang.

Medyo competitive pa ako sa simula eh, pero I realized it's no use. So we took our time na lang and nagtake ng photos. 🤣


Kahit yung iba, nagpicture taking pa sa mismong finish line. I don't know if they realize na their time is still ticking hangga't hindi pa sila lumalampas doon. But maybe it doesn't matter anymore para sa iba. 😅


Yup, may timing chip sa likod ng racebibs and we're able to see our run results online. 🙂


Pang-3458 ako, and 3459th naman si Hubby. Lol

It took us 1hr and 3mins to finish the run. While the first placer for the Male category took 17 minutes lang and 20 minutes naman for the first placer sa Female category. Sineryoso masyado. 😆

The organizers are very generous sa freebies. Paglampas sa finish line ay namimigay ulit sila ng bottled water or Gatorade, you choose.

After the run/walk, ramdam ko na rin yung ngawit sa binti ko. Wala ba namang warm up, warm up eh. Haha

But we stayed for the after-run show.

Ayun, gandang ganda kami kay Daiana Menezes.


At kay Anne Curtis, omg, timeless beauty.


Puting-puti kay Barbie Forteza, at tawang tawa kay Mimiyuuuh.


Nag-host din sina Sam YG, Gabbi Garcia at Alden Richards. Hindi ko na kilala yung iba pa. 😅


Pang-final act naman ang Mayonnaise na kumanta ng tatlo nilang songs: Bakit Part 2, Tayo na lang dalawa, at Jopay.


Gustuhin man naming sumali sa games at promos ng sponsor booths, ang hahaba naman kasi ng pila. Hindi kami matiyaga. 😅

May pinilahan na lang kaming photobooth noong nagsiuwian na ang karamihan at konti na lang ang pila.


At may mga freebies pa rin naman kaming nakuha kahit papaano. 🙂

Mukhang namotivate ata si Hubby sa first run namin together, siya na rin ang nagsisearch ng sunod naming fun run. 😆

~~~~


No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you