Sunday, July 11, 2021

FarmOn | How's My Funds?


Short answer: Ayun, naka-quarantine din sa bank ng Farmon. 😆

It is not shocking for every business to say they got devastatingly affected by the pandemic.

Farmon.ph is no exception.

I tried to understand them as much as I can, but Farmoners can’t help but be frustrated on how farmon.ph is doing.

Before the pandemic has started, I invested in Farmon 2.0 in July 2019 and in Squash-growers in October 2019.

Aside from that, I had a withdraw-able funds sitting in my account which I was planning to withdraw last January 2020.

Unfortunately, due to my procrastination, inabutan na rin ng lockdown ang funds ko at hindi ko na na-withdraw dahil inihinto nila ang withdrawal requests nang magsimula na ang community quarantine. 😅

Iniintindi ko na lang at iniisip ko na lang na siguro kasi kakailanganin nila yung funds dahil kahit naka-CQ man, baka nagpapasuweldo pa rin sila? Kaya siguro inihinto nila ang withdrawal, para hindi magsikuha ang mga farmoners ng pera nila at magamit pa ng farmon ang pondo?

Ganun na lang ang iniisip ko.

Idagdag pa yung bagyo na tumama sa kanila ng matindi noong November 2020.

Pero kung ilalagay mo naman ang sarili mo sa aming mga farmoners, may karapatan din kami doon dahil pera namin yun, especially yung sa akin na withdraw-able naman talaga at hindi naka-invest sa kahit aling project.

Pero kahit yun ay hinold nila.

May mga updates silang sinesend through email, at may video pa silang in-upload kung saan nagbibigay rin sila ng update at explanation habang naka-display ang MacBook nilang dalawa. Sorry, parang gibberish lang kasi sa akin yung mga sinabi nila kaya hindi ko na pinakinggan actually...

Ang dami nilang sinasabing ginagawa nila to the point na feeling mo profitable sila, pero parang ang dating na lang sa akin ay pang-front lang nila yun para hindi magsi-pull out ang investors.

Mahahaba yung emails, and TLDR, sorry. 😅

Pero may nahagilap ang mata ko sa mahahabang email nila: For sale na yung lupa nila sa Isabela para mabayaran ang mga farmoners..

At ang pinaka-binasa ko lang na email nila ay yung huling nareceive ko nung June 30, 2021.

Base doon, may 4 withdrawal options na silang nilagay sa website.

Option 1: Cash withdrawal on queue basis
Option 2: Convert my investment to rice
Option 3: Convert my investment to property
Option 4: Lock withdrawal for 1 year and earn minimum 4% annual interest

Sa Option 1, pila sa pagwiwithdraw ng cash base sa date cycle na pinondohan. Time requested doesn’t affect the queue.

Ang first priority (Priority A) sa withdrawal ay yung vault balance.

Second priority (Priority B) yung 1.0 & 2.0 principal investment from January 2019 to September 2019.

Third priority (Priority C) yung 1.0 & 2.0 principal investment from October 2019 to January 2020.

Fourth priority (Priority D) yung 3.0 principal investment.

And fifth priority (Priority E) yung iba pang natitirang profits.

Sa Option 2, pretty self-explanatory. Bigas ang ibibigay sa iyo.

Makikita mo ang rice choices sa account mo.

Kung icoconvert mo sa Graded Jasmin for example ang investment mo, Php 1,000 per bag ang worth. 25kg / bag.

Kung Option 3 naman ang pipiliin mo, pwede mong i-convert ang Php 50,000 na investment mo sa Farmon for 150 square meters na property located sa San Manuel, Echague, Isabela. Total area ng property nila is 98 hectares.

Proposal pa lang ang option na ito. Naggagather pa raw sila ng data para makita kung marami ang pipili sa option na ito.

Sa Option 4, ayun, 4% minimum annual interest daw kung ilolock mo yung withdrawal mo for 1 year. “Minimum” ha, so you could assume pwede sigurong tumaas? But kahit sa “minimum” na iyan hindi na rin ako naniniwala eh. Sorry. 😅

Siyempre doon na ako sa Option 1.

Pagkapunta ko sa Withdrawal request sa account ko at pagclick sa Option 1, nandoon na lahat ng investment ko kahit yung extisting pa, per priority.

Nasa Priority A yung vault balance ko, nakalagay kung pang-ilang payment batch ako, pati queue number ko at amount na withdrawable sa vault ko.

Nasa Priority B naman yung investment ko sa Farmon 2.0 nung July 2019, mismong investment lang plus Php 50. I’m not sure kung para saan yung dagdag na Php 50 sa withdrawable ko dahil base sa account ko, hindi pa nag-eearn yung investment ko.

Nakalagay din doon kung pang-ilang payment batch yung akin sa Priority B, pati queue number.

At ang panghuli, nasa Priority C naman yung investment ko sa Squash grower ng October 2019. Walang profit. May dagdag lang na Php 30 sa withdrawable amount. Feeling ko pampalubag loob lang tong mga konting dagdag. 😅 May batch at queue number din.

Pagkaclick ko sa “Choose this option” na button, may pop-up na nag-appear na ang sabi “Are you sure you want to choose this option?”, clinick ko lang ang “OK” at ito na ang nag-appear:


Pagkatapos nito, hindi ko na alam kung saan pwedeng pumunta para i-check ang status ng withdrawal request ko.

Sana mayroong ganun para malaman kung pang-ilang batch at queue na ang nababayaran at yung frequency ng pagbabayad nila.

Mayroon itong “Queue Monitoring System” na makikita sa account:


Pero kapag clinick ko naman yun, nireredirect lang ako sa Withdrawal request page.

So yeah.

May option na ngayon to withdraw, pero walang way na ma-monitor kung aling batch na ang prinoprocess nila.

As usual, maghihintay na lang ulit ako sa progress ng funds ko tulad ng lagi kong ginagawa.

May napansin lang ako sa Option 4. 

Base sa website nila, “Minimum” yung 4%.

Pero base sa FAQ sa email nila nung June 30:

“Does the fixed 4% Annual interest applies? Yes, it will start this May 2021.”

Fixed naman yung 4%. 🤔

Pansin ko rin nabago yung info ng nasa withdrawal request ko ngayon.

Nalipat yung maliliit na butal sa investments at vault balance ko sa Priority E na may enclosed caption na “interest”.

Pero hindi siya @4% eh. 🤔

Anyway, yan ang update sa ngayon ng funds ko sa Farmon.

Let’s wait and see kung mawiwithdraw ko pa nga talaga at kung kailan. 😅

Manlilibre ako kapag nakuha ko. 🙈

~~~~

8 comments:

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you