I feel lazy…..
As the time goes by, it is getting harder to find something fun to do at home…
Minsan sinisipag maglinis, madalas nagpo-procrastinate.
Minsan nasa mood maglaro, madalas nagmumuni muni lang.
Minsan nasa mood manood sa Netflix, madalas tinatamad magsimula ng series na panonoorin.
Minsan sandamakmak na ideas ang naiisip kong i-share dito, madalas hindi makapag-isip kung paano ko sisimulan ang post.
Minsan ganadong mag-exercise, madalas ganadong magbabad sa kama.
Ang bilis ko na rin mawalan ng interest sa mga bagay-bagay.
May araw na gusto kong gawin itong bagay na ito, sa susunod na araw, ayaw ko na. 🤷♀️
Gusto ko nang lumabas ng bahay, palagi ko itong sinasabi, pero wala naman akong gustong puntahan.
Feeling ko ang dami ko nang sinasayang na oras, pero hindi ko rin alam kung sa anong makabuluhang bagay ko ito dapat igugol.
Maraming suggestions.
As in.
Pero I feel lazy na gawin.
Parang hindi ako interesado. Sorry! ✌️
I don’t know.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.
Although….pansin ko lang, namimaintain ko yung mga nakakatamad at hindi kailangan ng masyadong energy na activities. 😅
Tulad ng paghuhula-hoop, yoga, coloring, solitaire….online shopping. ðŸ¤
Nung Wednesday sinubukan kong gamitin ulit yung jumping rope na 2019 pa namin nabili sa Decathlon, halos hindi ako makalakad kinubukasan pagkatapos noon mga friends. Ang sakit sa muscles! 🤣
Pero okay na ulit ako ngayon kaya susubukan kong iincorporate yun sa morning routine ko, kung mamimaintain ko ang interest ko doon. 😅
Goods news though (para sa akin), nakapagpagupit na ako last weekend! After more than a year!
Pero tinatamad pa rin ako. 🙈
~~~~
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you