Sunday, August 22, 2021

2nd Pandemic Birthday

Heeeeey!

Grabe, napanindigan ko yung huling post ko noh? Hahaha

Pagkatapos kong sabihing tinatamad ako, wala na akong sumunod na post for a few weeks, or a month. 😅

I was actually contemplating kung ano ang isusulat ko ngayon, mga rants ko ba or about my recent birthday celebration.

Then as I was scrolling my phone's gallery, I saw this video I took before the pandemic:



So para good vibes, yung birthday celebration ko na lang. 😄

Bumili na si Auntie ng cake noong last day of work nila ng August 4, bago mag-istrikto ng community quarantine ng August 6. ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, blah blah, ewan ko na sa kanila kung alin. Basta hindi na lang ako lalabas ng bahay...

Sansrival ng Purple Oven ang binili. 😋


Masarap 'to, pramis! ✋

Papuslit ko lang talaga kinunan ng picture bago nila hiwain kaya ganiyan ang kuha ko.

Oo, hindi na hinintay ang actual birthday ko, binawasan na namin agad kinagabihan. 😆

Pero ang plot twist, mas huli pa itong naubos kaysa sa mga cake na natanggap ko sa birthday ko. 🙈

Come my actual birthday, yung supposed-to-be surprise para sa akin ni boyfie, nabisto ko na few days before, so hindi na talaga surprise. 😅

*Sigh* Naghahanap ako ng whole pic nung setup sa phone ko, pero wala akong makita. 

Ewan ko kung bakit ganiyan lang ang kuha ko. Potek.

Wala talaga akong kuwentang photographer. Sorna.

Umorder na lang kami ng food from Blake's Wings & Steaks para hindi na magpagod sa paghahanda.

Kinumpleto ko na lang lahat: fish, pork, beef, chicken, greens.

Again, sorry sa low quality kong mga kuha.

Wala na kasi silang pake sa setup, basta binuksan na lang sa lalagyan tapos tsibog na agad, baka lumamig pa siguro ang pagkain kaya nilantakan na, so ako na lang ang nag-adjust. Picture picture na lang kahit may kamay. 

Ang Dibs on Ribs na napakalambot.😋 (Please excuse the fork.)


Mukhang maliit at manipis sa kuha ko, pero no, no, no. See below:

Makapal yung hiwa, mga friends.

Ang 1/2 kg Garlic Parmesan chicken wings. Na-miss ko tuloy yung pagtsibog naming magkakaibigan ng chicken wings pre-pandemic. Tinatiyaga pa naming pumila noon para makapagdine-in sa Blake's.

Grilled Salmon steak. Wala sa description na may kasama itong rice kaya nag-add pa kami ng butter garlic rice, yun pala meron na, kaya nadoble ang kanin. 😅 My photo below doesn't really give justice to the dish!

My new favorite! Wagyu salpicao! Plano ko sanang i-transfer sa disenteng lalagyan para mas appealing pero wala eh, tsibog is layp.

Napakalambot ng karne at wala halos taba, sulit sa meat. 

Ang oily ng sauce, sobrang malasa at garlicky, so hindi ko masyadong ginalaw yung sauce niya. Yung meat lang talaga.

Lastly, Garden Salad. Ang salad na hindi dapat nawawala sa order sa Blake's. 😋

Kaso nakailang scroll up & down na ako sa gallery ko pero wala akong makitang picture! 

Sa dami/laki ng serving, ulam pa rin namin kinagabihan at kinabukasan yung iba.

Umorder din pala si boyfie ng Cookies & Cream cake in a can ng DQ. Ito surprise na kasi hindi ko 'to nalaman in advance. Charap charap. 😋

At ang isa pa sa hindi ko inaasahan ay yung pagdating ng Grab driver at hinahanap si Diane. 😆

Akala namin namali lang ng address, yun pala sila Diane ang nagpadala at intended para sa akin. Na-touch ako, pramis. ðŸĨē 

Hindi lang halata sa video ni ateng Grab habang kinakantahan niya ako dahil sobrang awkward ko. 😅

Thank you~! Hindi ko ito inasahan. Na-touch ako at naalala nila birthday ko kahit di ako masyadong online o nakakapagchat. ðŸĨš❤ Really appreciate it. ðŸĨē

Akala ko may pahabol pa sila o si boyfie nung may delivery na dumating from Flower Chimp.

Todo tanggi si boyfie na galing sa kanya yun.

Muntik na nga siyang magselos bago ko buksan yung letter.

A gift from my colleagues pala. Another pleasant surprise. ðŸĨ°

Hinihintay ko pa man din yung Lazada voucher ko pangshopping. Just kidding ðŸĪŠ

Nagka-idea ata siya nung nagpadala ako sa kanya last year nung birthday niya. 😝 Supposed to be, magpapadala ako ng goods from the Philippines ulit noon, kaso dahil sa fear sa Covid-19, nagpadeliver na lang ako online sa place niya. 😁

So ayan, another cake. 😄

Medyo nabugbog nga lang ata sa daan. 😆

This day could never have been any better.

Really, genuinely appreciate all the effort of every one to make my day special and memorable despite the global crisis we have all been facing for more than a year now.

As well as the greetings and warm wishes from all sorts of communication, kahit hindi nakadisplay ang birth date ko para walang notification. 😊

From the bottom of my heart, thank you everyone!

Here's to another year of my age and life~ 🐷

Lamon pa, uy.

~~~~

2 comments:

  1. Ngayon lng ako nag open kasi iniipon ko ung blog post mo. HAHAHa Happy Birthday ulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank youuu~ wala pa ring nadagdag sa blog post ko. Ang hirap kalaban ni katam. 😆

      Delete

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you