Sunday, May 22, 2022

Vacation | Puerto Galera [Tamaraw Beach Resort and White Beach]



Akalain niyo yun, nakapag-swimming ulit ang lola niyo. 😂

Usually parang once every 'summer' aka dry season lang ako nakakapag-swimming.

Yun bang kapag nakapag-outing na ng isang beses, okay na, next year na ulit ang susunod.

But look at this 'bakasyonista', nakaulit pa. Haha

Actually, it was boyfie who planned this trip.

Mukhang nag-enjoy ata sa beach camp trip video namin at gusto pa ulit niya ng may panonoorin (tingnan natin kung sipagin ulit ako mag-edit).😜

May 7, we left the house at 4:30AM to catch the first trip of the ALPS bus in Megamall going to the Batangas pier.

The bus arrived around 5:10AM and departed at 5:22AM.

The fare was P250 per person.

Its route was along Ortigas Avenue > Valle Verde > C-5.

There was no bus stop and we arrived at the port past 7AM.

Ang daming tao, grabe.

And you know me, I get agitated in crowded places, people walking in between the long queue just to pass through, yung iba wala pang "excuse me", basta isisingit na lang ang sarili sa harap o likod mo. 🙄

We initially planned to buy tickets sa Island Water, but their next trip would be at 1PM, so we lined up sa Montenegro lines which had a 10:00AM trip to the Balatero port of Puerto Galera.

8:31AM na kami nakabili ng ticket which costs P510 per person and had to line up again for the Passenger Terminal Fee which costs P30 per person.

We boarded the vessel at 9:40AM that departed at 10:00AM.

Halos walang makunan, men. Nagfofocus yung camera sa kumapit na dumi ng bintana. Haha

Mabuti na lang at nagpasakay na sila ng maaga kaya nakaalis kami on time.

We arrived at the Balatero port at 11:30AM kung saan kami sinundo ng shuttle service ng Tamaraw Beach Resort where we will be staying.


Supposed to be may kasabay pa kaming sinundo, pero malayo pa raw sila kaya nasolo namin ang shuttle.😀

We got to the resort past 12NN, and man, the view of the beach from the third floor where our room is was amazingly beautiful!


I could lounge on the balcony all day, but we were already hungry so kumain na rin muna kami sa restaurant nila.


Nagboat tour kami ng mga 3:30PM.

Say 'hello to Kuya Anthony at the back.

Supposed to be ay tatlo ang pupuntahan for the tour: Coral Garden, Underwater Cave, and Giant Clams site.

Pero sabi namin kahit hindi na sa Underwater Cave dahil baka gabihin.

And lumabas din ang totoo, yung Coral Garden lang pala talaga ang gustong puntahan ni boyfie! 😆

Pero sulit naman, kasi grabe nabusog ang mata ko sa yaman ng dagat ng Puerto Galera.

When we arrived at the Coral Garden, pinalusong kami ni Kuya Anthony, our boatman, sa dagat at pinakapit sa arms (ano ba ang tamang tawag dito? haha) ng bangka.

Sabi niya huwag raw kaming bibitaw kundi maiiwan kami, tapos pinaandar na niya.

Grabe, na-stretch ng bongga ang mga braso ko! Hahaha!

Yung left hand ko nakakapit sa bangka, while my right hand ay hawak ang Action 2 camera.

Yung force ng tubig against me ay malakas habang nakalublob ako at umaandar ang bangka kahit mabagal lang, kaya sobrang higpit ng kapit ko lalo na sa camera at baka dagat pa ang makinabang. Lol

Mabuti na lang din at may snorkel ako kaya steady na lang ako at hindi ko na kinailangan umahon para huminga tulad ni boyfie.

Kakaangat niya, na-miss niya tuloy yung pawikan sa ilalim namin. Haha

Ako naman, kitang kita ko, kaso sa sobrang mangha ko, nakalimutan kong tutukan ng camera.🤦

Sinulit talaga namin sa Coral Garden.

Don't forget to wear your aqua shoes kasi maraming sea urchin doon.

You wouldn't want a tinuhog na paa for dinner, don't you?😆

Walang aqua shoes si boyfie, pero mabuti na lang at may pinaparentahan si Kuya Anthony for P100 ata yun.

Slip of the tongue natanong ko kung ano kaya ang lasa ng sea urchin.

Narinig ni Kuya Anthony so he offered us, siyempre grinab na namin dahil hindi ko na alam kung kailan ulit kami magkakaroon ng chance.

Hindi na kami tumuloy sa Giant Clams dahil malabo na raw ang tubig doon sa ganoong oras, kaya nagphotoshoot na lang muna kami somewhere bago tumuloy sa pagcatch ng sea urchin.

Pagbigyan niyo na. Minsan lang magkalakas ng loob ang lola niyo habang walang tao. Lol






Speaking of sea urchin, nakakakiliti siya sa kamay kapag kumakapit na.😆


P100 per sea urchin ang singil ni Kuya Anthony.

Sobrang linamnam niya pala at manamis namis.

Kung bata bata pa ako at hindi takot ma-highblood, baka nakarami ako. 

Nakadalawa lang kami, pero solb na solb!👍

Nakabalik kami sa Tamaraw Beach Resort bago mag-6PM, tamang tama for the sunset.


P1,700 nga pala ang siningil sa amin sa boat tour.

I don't know, but hindi ako nahiyang magpicture-taking dito sa Puerto Galera, in fairness.

Nakarami nga kami ng photos during the sunset, mga bente. Haha








After the sunset, sa pool naman ng resort kami nagswimming ng konti.

Medyo malalim kasi, eh langoy aso lang ang kaya ko. Lol


Pinagtripan ko na lang ng konti si boyfie. Haha


Then we had our dinner again from the restaurant.

Okay lang sa kanila, kaya dinala na lang namin yung food sa room at doon na kami kumain sa balcony para feel na feel namin ang beach sound.


Ang laki ng serving nila.

By the way, ang inclusions sa room na binook pala ni boyfie is:

____

Sa sobrang pagod sa activities, tulog mantika agad ang lola niyo. Haha

Come next day, breakfast ulit sa restaurant.


Ito ang maipapayo ko based on our experience....magdala kayo ng extra extra cash. 😅

Otherwise, learn from our experience.

Ang kaigihan sa Tamaraw Beach Resort, we can charge everything sa booking namin and pay the total via credit card upon checkout.

But plano rin pala ni boyfie na pumunta kami sa White Beach for some more beach activities, kaso kulang na kami sa datung.

Nagtanong siya sa reception kung saan siya pwedeng magwithdraw, ang sabi sa kanya sa may bayan daw may ATM machines.

Kaya nag-arkila kami ng trike papunta sa bayan para magwithdraw.

Land Bank at Rural bank ang mayroon doon.

Yung Land Bank unavailable ang ATM machine, while the other naman ay walang lamang cash.

May mga tindahan daw doon na pwedeng magcash out from GCash kaya doon kami pumunta.

Ang sunod naman na naging issue is sobrang hina ng signal ng Globe sa bayan.

Hindi makapaglog in si boyfie sa GCash...

Pwede sana ang #143*, kaso kailangan pa kasi niyang magcash in from his bank to his GCash kaya kailangan talaga niyang maka-log in sa app.

Nagbaka sakali na nga rin siyang makiconnect doon sa staff ng cellphone store kung may wifi or kahit maghotspot na lang, kaso wala raw.

Puwede sana ako dahil I have both Globe and Smart sa phone ko, kaso naman, iniwan ko kasi yung phone ko sa room namin dahil hindi yun water resistant kaya hindi ko dinadala sa water activities, and who would have known na mahina ang signal ng Globe sa bayan nila. 

What a circumstance we had there. 😆

Finally, sinuggest ko na lang na bumili siya ng Smart sim.

And fortunately dual sim yung phone niya dahil magsisend pa ng code ang GCash sa number niya for verification, right?

Ayun, sa wakas, nakapag-mobile data siya gamit ang Smart at nakapaglog in sa GCash app niya.

Problem solved.👌

Grabe naubos ang oras namin doon, pati ni Kuyang tricycle driver dahil hinintay din niya kami.

Nagpahatid na kami sa White Beach para lang malaman na may ATM machine pala mismo doon. Anak ng tokwa!🤦

Saka nag-aaccept ng GCash ang mga nag-ooffer ng water activities doon, may additional na P100 fee nga lang.

Ang laking panghihinayang namin sa oras na nawala, pero lesson learned na rin yun para sa amin.

We continued to enjoy pa rin. 😃

Una naming in-avail yung jet ski sa halagang P3,100 (thru GCash, P100 fee included) for 30 minutes.

Si boyfie lang ang tinuruan tapos siya na rin ang nagturo sa akin.


Parang hindi namin nabuo yung 30 minutes kasi nag-overheat yung jetski. 😓

Pero nasulit naman namin bago siya nag-overheat. Haha (Makikita niyo sa video kapag nagawa ko na.)

Baka nga dahil pala sa akin kaya nag-overheat eh. 😆

Lastly, in-avail din namin yung Flying Fish for P2,100 (P100 GCash fee ulit) for around 15-20 minutes.


Kapit kung kapit, mga besh.


Pero napagtanto ko, baka mas nasulit namin kung nagpahulog ako.

Plano ko sanang magpahulog na lang sa last lap, kaso hindi ko alam kung kailan yung huli hanggang sa dinala na kami sa dalampasigan. Tapos na pala. Hahaha

Vinideohan naman kami ni kuyang nagpa-rent ng jetski, and based on the video, nag-run lang kami for 10 minutes dahil nga walang nahulog.

Mga butiki kasi talaga kami. Hahaha


Dahil dalawa lang kami, halos wala talagang choice sa activities na magsuswak sa amin dahil karamihan sa nandoon ay pang-group.

Pero kahit dalawa lang ang ginawa namin, solb na solb na kami.

Naubos na rin ang energy ko doon sa Flying Fish.

Saka kailangan pa naming mag-allot ng oras para mag-ayos ng gamit dahil 12NN ang checkout namin.

Nilakad na lang namin mula sa White Beach pabalik ng Tamaraw Beach Resort.

Mga 10 minutes siguro yun na lakaran, pero okay din dahil nakapag-sightseeing din kami, plus pictorial and whatknot. Haha


Naglunch na rin muna kami sa restaurant pagkatapos naming mag-checkout para hindi na kami mahirapang maghanap ng kakainan.



Sakto ring may event/road tour pala sa resort that day at kuminang ang mga mata namin sa mga luxury cars na nakaparada. 😍

Gustung gusto ko talaga doon yung MINI Cooper kahit nung college pa ako. OMG ang dami nila although yung kamuha niyang Countryman ay meron din.

Sa labas  ng Balatero port na kami ibinaba ng shuttle dahil doon ang ticketing offices.

Wala ng 3PM ticket sa Island Water, mabuti na lang at meron sa Montenegro Shipping Lines na 3:30PM ticket.

Past 4PM na nakaalis ng port at nakarating kami ng Batangas pier ng past 5PM.

Dito kami medyo nahassle.

I would suggest kung may sasakyan kayo, dalhin niyo na lang at iwan niyo na lang sa parking lot ng pier.

Mahaba na ang pila sa bus pa-Cubao sa parking lot.

Pagkaalis nung bus ng 5PM, grabe past 7PM na dumating yung kasunod na bus pa-Cubao.😑

So dalawang oras kaming sumalampak sa parking lot habang naghihintay.

Yung iba sa pila, sumakay na lang sa katabing bus na pa-Taft.

Fast forward, 10:30PM na kami nakauwi ng bahay.

Yung pa-Cubao na bus ay sa C-5 ang daan.

Bababa na sana kami sa Eastwood kaso parang mukhang delikado dahil medyo madilim at walang tao sa bababaan namin, kaya sa may LRT Katipunan na lang kami bumaba at nag-Grab pauwi.

Kaya ayun.

Ang tips lang na maibibigay ko:

1. Bring extra extra money. Kung hindi kayo nakapag-withdraw tulad namin, know that may ATM na rin sa White Beach. P50 ata ang fee. Most of them accept GCash, but iba na rin kung may pocket money, dahil may charges din sila kapag GCash ang pambayad.

2. Just in case you plan to pay via GCash, it is worth having a spare Smart SIM for a strong signal. Malakas naman ang signal sa Tamaraw at White Beach, pero sa bayan, Smart lang ang malakas. P40 lang yung SIM, wag na kayo magtipid. Mabuting may dalawa kayong SIM, para makapag-data pa rin kayo whichever ang may malakas na signal.

3. If you have a car, bring it kahit hanggang sa Batangas pier lang. Madali ang ang bus papuntang pier, pero mahirap na kapag pauwi.

4. Kung may bata kayong kasama, bantayan niyo palagi kapag nasa beach. Wala kaming batang kasama, pero nakakaworry lang sa mga meron, dahil konting kembot lang sa dagat, malalim na agad, unlike sa Calatagan na kahit malayo na eh hanggang tuhod o baywang pa rin. So be extra careful and watchful of your kids.

That's all for the tips and lessons learned.

As for the experience, nakakapagod, pero worth it. 😉

Sooo excited to create a video, pero mukhang mas marami kaming shots ngayon kumpara sa huli, so hahagilapin ko pa ulit ang kasipagan ko. HAHAHA

And may natutunan na rin siyang trick sa Mini 2 niya kaya medyo nag-improve na ang aerial shots namin. 😃

Let's see. 😁

~~~~

No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you