Whooooa, look at that.
Akalain niyo yun, naka-2 years na kaming mag-asawa. 👩❤️👨🎉
Last year, we celebrated it in Pampanga and Zambales.
This year, we chose to celebrate it in Aurora.
Somewhere here:
One week before our anniversary, I already requested a time off from work for Monday dahil kahit mukhang malapit lang ang Aurora sa Pangasinan, puro bundok ang dadaanan kaya almost 5 hrs ang estimated travel base sa Google Maps.
Our destination is in Dinadiawan, Dipaculao, Aurora.
Come Saturday, July 6, we started our journey at 10AM.
We were praying na sana hindi maulan dahil kung ganun, hanggang Pantabangan lang kami at iuuwi na lang namin. 😅
Thankfully, hindi ganun kalakas ang ulan sa dinaanan namin ng araw na yun.
Medyo makulimlim lang for the most part.
![]() |
Yung mukhang tumpok tumpok ng kanin yung mga puno sa paningin ko. Haha |
We arrived in Baler at 3:50PM and decided to stay there for the night kasi pareho na kaming antok na antok sa biyahe.
We checked in at Blue Coco Baler Beach House and nakaidlip kaagad kami. 😆
Sa lahat ng napag-check inan namin, ito yung may pinakamaraming hangers. 😆 Kaso nga lang, walang cabinet na mapaglalagyan.
Siguro kasi yung binigay na room samin is good for 4 persons (may 2 beds pa sa ilalim), kaya marami ring unan. 🙌
May Wi-Fi, pero hindi automatic na binigay yung password sa guests.
May TV, pero iisang channel (One PH) lang ang available.
Wala ring toilet paper, toothbrush/toothpaste at kumot sa room.
Shampoo at body wash lang.
Buti dala namin yung mga pang-camping namin so yung sleeping bag na lang muna ang pinangkumot namin, at may mga sarili rin kaming toiletries.
Na-clarify ko kay ate ng Blue Coco pagkacheck out namin na may kasama pala dapat na kumot at tissue don. Nakalimutan lang daw siguro.
Katamad na rin namang magsabi during ng stay namin dahil nasa 3rd floor kami, walang landline kaya bababa ka pa kapag may kailangan ka. 😅
Anyway, yung supposed merienda namin, nauwi sa dinner sa bigat ng kinain namin sa Baler-Ortus Restaurant & Bar.
Ramen ba naman kasi ang inorder namin. 😆
Nagustuhan ko yung inorder kong Tantanmen, kaso hindi na-enjoy ni hubby yung Miso Chicken niya.
Nagkicrave pala kasi siya ng sweets saka mukhang gusto niyang tikman yung pinipilahang burger mobile sa isang kanto. 😆
Kaso busog na kami so 🤷♀️ Sorry, hubby. 🤣
Naglakad lakad na lang kami sa tabing dagat hanggang gumabi.
Medyo maalon at maraming nagsusurfing lessons.
Binalak din naming magsurfing kinabukasan, July 7, kaso maulan na kaya we decided na ituloy na lang ang biyahe namin papuntang Dinadiawan.
Nag-brunch na muna kami sa Yolly's Ihaw Ihaw & Seafood Resto na sa halagang Php 250 ay unli buffet na.
Yun na ang pinili namin kasi Php 100 din naman kada isang order.
At least natikman namin lahat ng ulam.
Medyo parang hindi nga lang fresh yung crabs kasi kumati ang dila ko. 🥵
Pagkatapos kumain ay bumiyahe na kami papuntang Dinadiawan.
Mga ilang bundok pa ang kakailanganin naming lampasan.
Hindi ko sure kung saan banda na ito sa Dipaculao pero dahil maraming humihinto para magpicture, nagselfie na lang din muna kami. 😄
Buwis buhay ang peg? 😅
Tuloy ulit ang biyahe~ Nakakailang bundok na ba kami? Haha
Nakarating kami ng Sand and Stars sa Dinadiawan ng past 1:00PM.
![]() |
Actually lumampas kami kaya nasa left side ang kuha. Lol |
And look what we saw here! 😀
![]() |
Google Maps car. 😃 |
Sayang naka-off duty siya. Kung hindi, eextra sana kami sa Street view. Haha
Anyway, pinagpilihan namin kung magcacamp kami for Php 2,000, which looks safe naman kahit sa ulan dahil may another layer sila ng roofing:
But we opted na magkubo na lang for Php 2,600 kasi hindi naman pala nagkakalayo ang price tapos air conditioned na at may sarili pang C.R.
Dadalawa lang kami pero dalawang double deck na bed ang room na binigay samin. 🤣
Kaya ayun, sagana uli kami sa unan. Hahaha
Wala nga lang ding provided na toiletries. Walang shampoo, body wash, toothbrush o toothpaste. Pero may toilet paper na. Haha
Pundido rin yung isang ilaw sa banyo at mahina yung tubig sa showerhead. Aabutin ka ng siyam siyam sa tagal magbanlaw.
Walang Wi-Fi at sobrang hina ng signal both Globe and Smart sa tinuluyan naming kubo.
Lumalabas pa ako para makasagap ng signal.
Marami man silang kailangang iimprove, nakabawi naman sila sa bait ng staff at sa ganda ng view.
May day tour din sila at available na cottages.
Hindi ko nga lang natanong kung magkano ang bayad para sa day tour at rent sa cottage. Basta tumambay na lang kami dun at wala namang nanita. 😅
Mukhang nag-enjoy din sa Droney.
Hindi pa sobrang puti yung buhangin sa first day namin. Siguro dahil na rin sa ulan ng mga nakaraang araw.
Pero panalo yung dagat kasi kalmado siya at maligamgam kaya nagbabad kami dun hanggang past 6:00PM.
Wala pa masyadong offer na food ang resort kaya nagdinner na lang kami sa labas.
May mishap nga lang na nangyari dahil may naatrasan kaming Wigo sa parking. 🫣
![]() |
Sorry! |
Fret not, dahil gasgas lang ang tinamo ni Coco. 😀
![]() |
Excuse the alikabok. Haha |
Gamit na gamit yung kaha ni Coco sa likod dahil nabangga na rin kami dati sa intersection, pero gasgas lang din ang natamo niya.
Sobra ko tuloy naappreciate ang quality at durability ng Ford. ☺️
Anyways, pinalipas muna ng both parties ang gabi para makapagresearch kung magkano ang aabutin ng pagpapaayos ng bumber nung Wigo at nasettle kinabukasan sa halagang Php 5,000.
Mabuti at malumanay din silang kausap kaya naicelebrate pa rin namin ni hubby ng masaya ang mismong anniversary day namin.
At mabuti rin na may offer silang silog meals kaya hindi na namin kinailangang humanap ng mapag-aalmusalan.
Sobrang umaraw din ng July 8 kaya kitang kita ang pagkaputi ng buhangin at pagka-asul ng dagat.
Ang hindi ko maiaadvise na gawin niyo ay ang ginawa namin pauwi. Sobrang nakakapagooood.
Diniretso na kasi namin mula Dipaculao pauwi ng Pangasinan at nagstop over lang sa Pantabangan, Nueva Ecija para maglunch.
Dito pa lang pagod na kami, lalo na siya. 😅
Kaya nagpahinga muna saglit pagkatapos kumain.
Pero ayun nga, umalis kami ng Sand and Stars ng mga 12:00NN, at nakauwi kami ng bahay ng 8:00PM! 🥱
Sinabayan pa yun ng malakas na ulan at madilim na daan.
Kaya siguro kung babalik man kami uli ng Aurora, magchicheck in din kami somewhere kapag pauwi na para hindi diretsong biyahe.
Anyway, may nadaanan kaming napakagandang simbahan sa Nueva Ecija pauwi.
Sabi ko kay hubby, kung ikakasal man kami uli, sana dito. ðŸ¤
~~~~
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you