Friday, November 23, 2018

Experience | Bites Turned Into Rashes?

Although I am enjoying the benefits of working from home, the downside of it is I spend most of my time sitting in front of the laptop.

I lack exercise. (But I am starting to do so to prepare my body for the Color Manila Run next year.)

But that's not the problem I faced for the past month.

It is this:



October 16, the back of my knee got itchy.

Of course, as what I normally do, kinamot ko. 😆

Yung feeling niya is parang kagat lang ng insekto so hindi ko naman masyadong pinansin.

The next day, makati pa rin siya, pre.

Doon ko na napansin na hindi pa rin nawala yung umbok ng mga kagat.





Skip..skip..skip to few days...come October 22, lumaki yung umbok niya.






October 23, namula na rin siya.




October 26, nawala naman na yung umbok niya, but yung pamumula niya is parang nagtuturn into violet...nagmukha siyang pasa.





October 29, ganito na siya.





Ang hirap niyang pagalingin kasi everyday may panibagong kagat na naman kaya kakati na naman siya, mamumula at uumbok.

Mayroon din sa binti at sa likod.

Since most of the time nakaupo ako sa upuan ko (sa workspace ko) at doon ko naman talaga naramdaman nung unang kumati siya, hinihinala ko may surot yung upuan ko. 😅

Hindi naman imposible dahil luma na rin yung upuan pati yung cushion na inuupuan ko.

Tiniyaga ko na lang pahiran ng Calmoseptine.

Then nung pinahiran ni mama ng LS BL Cream noong umuwi ako ng Pangasinan ng Nov. 02, parang mas hiyang siya sa balat ko. Saka mas gusto ko yung amoy. Parang lotion lang.

So yun na ang ginamit ko.

But still, hindi nun sinolve yung problem.

Dahil kahit gumaling yung kagat, may panibagong kagat na naman. *face palm*

So bumili na lang ako ng panibagong upuan...yung mas kumportable...mas conducive sa pagtatrabaho ko, at walang kakagat na insekto.

Ta-daaaa~!

Sorry, gabi ko na kasi kinunan ng pic. x'D
What would you expect sa skills ko, diba? Haha

This week ko pa lang ito ginagamit.

And so far, ito na ang lagay ng likod ng tuhod ko:



Wala nang bagong kagat. Pagagalingin ko na lang yung mga iniwan niya. 😓

But hey, I think this is for the better. 

See, nakabili na ako ng mas comfortable na upuan while working. 

Medyo nahihilo ko nga lang ang sarili ko kapag hindi ako mapakali sa upuan ko. 😆 (Oo, paikot ikot ako lol)

No comments:

Post a Comment

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you