Friday, November 11, 2016

My FarmOn Experience....so far

I've been a farmOner since the 5th cycle.....that was in 2015.

(My post about how I started can be seen here.)

Hindi ko naman naisip sa unang tingin na scam siya dahil una kong nakita ang farmOn sa "DayOff" ng GMANewsTV.  They visited the farm itself, they interviewed a farmOner too.  Hindi ko nga lang maalala kung sino ang ininterview nila sa staff ng farmOn.  Can't remember kung si Mr. Otoman II or kung iba.  (Sorry for my bad memory retention. lol)

Sa isang taon kong pagiging farmOner, marami na rin silang idinagdag na improvements.

- Sa website na mismo magreregister at kailangan na ng mga new registrants ng referrer (mga old farmOners) para dito.  Kailangan ding tumawag ng refferer sa farmOn para
iconfirm ang kanilang mga referral.  Hindi ko alam kung paano yung pagcoconfirm na sinasabi nila kaya noong tumawag ako para iconfirm ang kuya ko (referral ko siya), ang sinabi ko na lang ay "Hi.  This is [name ko], icoconfirm ko lang si [name ng kuya ko]".  Hahaha!  But that's it.  Tinanong lang ako kung kaano-ano ko siya and kung na-orient ko na ba siya, at sinabi yung responsibility ko as referrer niya.  Ayun.

- Nagdagdag sila ng Message Centre (dati thru emails ko lang sila nakakausap kasi hindi ko sila tinatawagan.).  Dito na mostly nag-iinquire, nagsesend ng contract and proof of payment, etc.

- Makikita mo na rin sa website nila kung saang farm site nakatanim ang iyong crops (actually mamimili ka na kung saang farm ka magpapatanim at kung aling crops na available sa tanimang iyon ang gusto mo)

- Registered na rin sila sa SEC (na matagal nang inirereklamo ng ibang farmOners/potential investors at ngayong registered na nga sila't nagkaroon nga lang ng restrictions, may nagrereklamo pa rin x'D).  Haay, you can't please everybody talaga.

- And available na rin ang app nila sa Google Playstore (although hindi ko pa sinusubukang i-install).  

Siguro may mga hindi pa ako na-include dito na other improvements, kung may alam pa kayong iba you can leave it in the comments section.



Although may improvements na nadagdag, mayroon din namang nabawas.

- Dati nakakareceive ako ng email tungkol sa aking crops, e.g. weekly video update.  Bawat crops noon for each cycle ay may video.  For example, Pechay for 5th cycle,  Green chili for 4th cycle, ganern!  Ako, since Pechay ang pinakauna kong investment, nakakareceive ako ng email from farmOn ng video update sa mga tanim na Pechay for the 5th cycle, although hindi ko alam kung alin doon ang sa akin pero okay lang, magkakamukha naman eh. Haha.  Pero ngayon, nasa isang video na lahat ang crops.  Hulaan mo na lang kung kailan aappear sa video yung crops mo kung ayaw mo panoorin yung buong video.

- Dati may Paypal sa kanilang payment option.  Ang kaso marami ata silang inconveniences na na-experience sa Paypal dahil naging issue noon ang bigla na lang pagpi-freeze ng Paypal ng mga account ng sellers.  Although wala pa akong Paypal noon kaya hindi sa akin big deal dati.  Pero ngayong na-introduce na rin ako sa Paypal, mas convenient sana kung mayroon ulit sila nito sa payment option. Hehe!  

- Nabawasan ang ROI.  Kung dati ang minimum ROI ng Pechay ay 60% (kalahati nito ang mapupunta sa'yo) ngayon ay 40% na lang.  At simula nang maging registered sila sa SEC, tinanggal na nila sa website nila ang ROI table nila.  So....ewan. x'D

- Wala ng invoice.  Dati dalawa ang natatanggap kong attachment from them kapag nag-iinvest ako, ang contract at ang invoice.  But okay lang. x'D


Hmmm.  Mayroon pa ba akong nakaligtaan?  Kung mayron pa, please leave it sa comments section below.


Although may inconveniences din akong naexperience sa kanila, minor lang naman ang mga iyon.  At hindi pa rin sila ganoong ka-straight to the point sumagot.  Tulad noong nangyari sa 12th cycle investment ko.  Noong chineck ko ng early October, umappear na yung investment ko pero pagkalog-in ko nang sumunod na araw, wala na.  Tinanong ko sila kung ano ang nangyari pero ang sagot lang sa akin ay 

"updating product is still ongoing
kindly wait to fully update your account
until the end of this month.
thanks po!"

Ang tanong ko ay kung ano ang nangyari dahil obviously naupdate naman na yung account ko but biglang nawala.  Buntong hininga at face palm na lang ang nagawa ko.  Alam ko naman kasi na kahit hindi nila nasagot ng diretso ang tanong ko, maa-update din ulit yung account ko.  Hintay-hintay na lang.  Pero sana maimprove din nila ito.  Hopefully.

So far, happy naman ako sa experience ko sa farmOn.  Inaabangan ko na rin yung "Fruits in Bread" nila. ^_^

Maliliit na investment lang ang ginawa ko noong 2015 pero sinigurado kong nakakapaginvest ako every cycle (napalampas ko nga lang yung 10th cycle. T_T).  But it's okay.  Ngayong 2016, ang ginagawa ko na lang ay nirereiinvest ko na lang yung mga investments ko sa mga nakaraang cycles.  Kumbaga, pinapaikot ko na lang yung funds ko doon kasama na rin yung profit na na-earn.  Kung may extra money na ako, siguro magdadagdag ulit ako sa susunod na taon. :)

Ayun.  How about you guys?  How was your experience sa farmOn so far?
Sa "Questions, Feedbacks and Inquiries" lang kasi ng farmOn forum ako nagbabasa. Hahaha x'D

Alright, that's all for now.


Happy Farming goys~!


6 comments:

  1. Hello, Im curious lang , musta naman po yong earnings mo sa farmon so far?How would you describe, I mean, is it better than the stock market? I'm planning to invest kasi and based on your experience it seems okay naman. TIA! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! So far, okay naman po yung earnings ko sa farmon. Satisfied naman ako sa returns. :) Medyo napatagal lang yung pagreflect ng profit ko sa 11th cycle. Sabi ng farmon minor lang yung naging epekto sa kanila nung bagyo last year, but I guess nakaapekto pa rin yun sa crops kaya napatagal ng konti pero pasok pa rin naman sa harvesting month yung pagreflect ng profit ko. xD
      I cannot tell you though if it is better than the stock market because I haven't tried investing on stocks yet (but I will, this year^^). Siguro after kong mag-invest sa stocks, I will post a comparison here. :)

      Delete
  2. mga how much na po investments mo dito hatputito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Mga nasa 5 digits, but I can't disclose exactly how much, baka mabuking ako ng mga kaibigan ko sa palagi kong hindi pagsama sa mga lakwatsa nila. Tee-hee~

      Have you tried them yet? How's your experience so far sa FarmOn? :)

      Delete
    2. mga nasa 99k? hehe.
      di ko pa nattry. pero gustung-gusto ko nang itry. hahaha! naghahanap nga ako ng referror. yun matuturuan sana ako and madali mareach out pag me tanong ako. pwede ka ba hatputito? babae din ako and i guess mas bata ka sa akin hahaha. or the same age i guess. active na den ako past few days sa farmon community forum, nakita ko den yung isang reply mo don sa isang thread. :D

      Delete
    3. I see. Yeah, pwede kitang i-refer, if that's okay with you. :)
      You can reach me out sa social media accounts ko which you can find sa "About Me" section ng website kong ito. And please feel free to ask questions for further clarification. (^_^)
      Medyo sinipag din akong mag-collate ng FAQs na naencounter ko sa farmOn community forum, so I posted it here sa website for easier searching of answers. ;)

      Delete

Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you