Wednesday, November 9, 2016

PRC License Renewal at Robinsons Galleria as easy as 1, 2, 3!

This is my first time to renew my PIC.  Actually noong August pa expired yung license ko and I'm hesitant to renew it dahil baka hingan ako ng credit unit.  Wala pa naman akong naiipon. (T_T)
Nabasa ko pa yung balita tungkol sa CPD Act of 2016.
Mabuti na lang at may post ang PRC sa kanilang website noong October 17 na nagsasabing ang full implementation pa raw nito ay sa first quarter ng 2017.
Okay now let's get to my experience sa pagrerenew ko ng license sa Robinsons Galleria kahapon.  Sa totoo lang, napakabilis lang ng proseso nila doon.

Step 1:  Fill out the application form provided in assessment window. (Tatlong windows
             lang ang mayroon doon so makikita mo agad.)



             Don't forget to paste your passport-size photo with nametag. (Nagdala pa ako ng
             sarili kong glue.  Hahaha!  Pero may provided naman na doon.  Malakas pang
             kumapit yung glue nila.)

Step 2: Submit it in the same window.  (Yung sakin kinuha na lang nung nakatayo sa may
            pinto nila dahil may nag-iinquire pa ng pagkatagal tagal doon sa window.)

            Wait for your name to be called in the cashier window and pay the necessary fees.
           (Mine was P480.  May penalty na P30 eh.)

Step 3: Wait for a few minutes for your new PIC.  AND THAT'S IT!  (May pipirmahan ka
            lang doong paper, parang list nila ng professionals na nakatanggap na ng I.D's sa
            kanila for that day.)


By the way, lunch time ako nagpunta doon, and I got my license before 12:30pm.  Siguro mga 15-25mins lang ang itinagal ko doon.  Kasama na ang mabagal kong pagsusulat sa application form, kaartehan sa pagdidikit ng photo, paghihintay sa may cashier dahil may sinusundan pa akong nagbabayad at yung paghihintay sa aking bagong PIC.

:)


No comments:

Post a Comment