Finally, my friends and I were able to go to DMZ Archery located at 18 Mystic Rose Drive Sanville Subdivision, Quezon City last November 08 [yes, right after I renewed my license. Hehe]
Since we didn't know how to commute papunta sa kanilang location, my friend contacted DMZ and asked for directions. They gave us instructions thru text.
And so my friends and I decided to meet up in Cubao [since we're coming from different directions, like me from Robinsons Galleria] and rode the MRT III to North Ave. Then we rode a Project 6 jeepney that goes towards Visayas Ave. [it costs only Php 8.00]. As per instruction, bababa daw kami ng jeep when we reach the Shell Gasoline station and take a tricycle to DMZ Archery. It costed us Php 25.00 [tatlo kami btw so around Php 8.00 din per person].
Nalito pa kami pagbaba namin dahil salon ang nasa 18 Mystic Rose.
Sa katabing gate nila nakasabit ang tarpaulin ng DMZ kaya doon kami nagdoorbell ng paulit ulit, pero walang nagbubukas sa amin. Mga ilang minuto rin siguro kami sa ganoong setup until we decided to enter the salon and ask. Pagkapasok namin at pagkatanong namin, pinadiretso lang kami sa may hallway, nandoon pala ang DMZ. LOL!
Oha! |
Nakarating kami ng around 4pm and may isang grupo na ang nandoon [apat sila] na kasalukuyang pumapana.
Naghintay pa muna kami dahil sila pa yung inaasikaso ng instructor. May drinks din na mabibili sa kanila kung nauuhaw kayo.
Mga 4:15pm siguro kami nagsimula noon.
This is it! |
Since this is our first time, itinuro muna sa amin yung basics like yung standing position, yung paghawak sa arrow at sa bow, yung way ng paglalagay ng arrow at yung pagtira.
Pati sa pagkuha ng arrows na itinira ay may rules din.
Sige Diane, show them how it's done. 😛 |
Wala sa rules ang mag-pose habang kumukuha ng arrows tho 😜 |
And sa pagtira at pagkuha ng mga pana ay may karampatang signal mula sa pito ni sir instructor bago ito gawin.
Noong una ay kinakabahan pa kami. Medyo mabigat yung bow, in fairness.
At medyo mahirap magselfie dahil may bracers yung kabilang braso namin. Haha!
Pero noong tumagal tagal ay nakapagrelax na rin kami.
Sabi rin nung isang ate, tira lang ng tira para masulit daw namin yung isang oras. Papetiks petiks kasi kami sa umpisa. Hahaha! Paselfie selfie pa! Pero masaya siya.
At dahil masiyado na kaming in the zone, nauuna na kami sa pito ni sir.
Sinabi na rin niya kalaunan na hindi na muna niya kami pipituhan.
Kunsabagay, kami na lang naman ang nandoon.
For P199/hour, sulit siya. 👌
Noong una, I thought bitin ang isang oras, pero sakto lang pala siya sa edad ko. Alam niyo na, mabilis mapagod at sumasakit sakit na rin ang mga buto-buto. Haha!
Uulit pa ako for sure. Samantalahin niyo na rin habang nasa P199 pa siya. Who knows kung kailan sila magtataas ng price.
😃
At nakakagutom siya pagkatapos, mga friends.
Kaya nag-banchetto na rin kami sa cubao after. 😃
Peace ya'll! ✌
No comments:
Post a Comment
Feel free to share your thoughts. Comment moderation is enabled on older posts and comments with advertisement links will be marked as spam. Thank you