Friday, July 6, 2018

Ubo, Sipon at Lagnat

Nakikiuso ang lola niyo.

Sa umpisa, makati lang ang lalamunan ko (Tuesday night).

Then kahapon ubo ako ng ubo, friends.

Nilubos ko ang pag-inom ng Vitamin C at pagkain ng orange para palakasin ang immune system ko pero pagsapit ng gabi, nagjoin na rin si sipon sa party.

Minsan barado, minsan runny. xD

At paggising ko kinabukasan, dumagdah pa si lagnat at sakit ng katawan.

Pero kahit ganun, kayod pa rin sa trabaho.

Eh sa bahay din ako nagtatrabaho eh!? xD

Alipin ng salapi, eh noh? Haha

Pero halinhinan si ubo at sipon sa pang-iistorbo sakin.

Maya't maya nauubo o nababahing ako.

At yung bahing, hindi lang paisa isa. Tuluy tuloy, mga pre!

Nakaubos na rin ako ng isang rolyo ng tissue.

Budbod din ako ng Vicks for temporary relief.

Maliban sa Biogesic at Neozep, may binanatan din akong home remedy.

Matindi siya, mga kaibigan.

Guminhawa ang pakiradam ko pagkatapos.

Pero siyempre hindi agad agad mawawala ang magtotropang ubo, sipon, lagnat at saki ng katawan na yan sa minsanang gamutan.

Kailangan tuluy-tuloy.

Pero panuorin niyo na rin tong experience kong kumain ng dinikdik na bawang + honey sa kauna-unahang pagkakataon.

Hindi ko na ie-edit.

Yung video nga for last week wala pa rin. Haha

Oh, and maliban diyan sa video, sinubukan ko ring uminom ng pinaglagaan ng luya na hinaluan ng kalamansi at honey. Nakakaginhawa din siya, in fairness.




No comments:

Post a Comment